Former Familiar Faces in Payamansion: Where Are They Now?

Mula sa CongDo, Payamansion 1.0, Payamansion 2.0, at ang inaabangang CongPound, hindi maitatanggi na palaki na ng palaki ang pamilya ng pinakasikat na vlogger group sa bansa, ang Team Payaman.

Sa kabila ng paglaki ng grupo ng content creators ay ang paglisan naman ng ilan sa mga pamilyar na mukha na minsan ng napasama sa vlogs ng Team Payaman. Ilan sa mga ito ay sina Josh Pint, Eunice Mendoza (Yuniski), Josh Alcones (Josh Drake),  at Roina Calabung (Yna). 

Ang tanong ng bayan, nasaan na nga ba sila ngayon? Sabay-sabay nating alamin ang mga karerang tinahak ng mga dating Team Payaman members.

Team Payaman Through The Years

Sa kabila ng di-matatawaran na tagumpay ng Team Payaman members sa iba’t-ibang larang ay ang nabuong pamilya sa kanilang pagsasama sa loob ng halos limang taon.

Ngunit sa paglipas ng mga taon ay nagpasya ang ilang miyembro ng grupo na  tumahak ng sariling daan patungo sa rurok ng tagumpay. 

Nakilala sina Josh Pint at Eunice Mendoza bilang mga OG video editors ng YouTube power couple na  Cong TV at Viy Cortez. Nakasama ng CongTViy couple ang dalawa mula sa pamamalagi nila sa Congdo (condo unit) noong sila’y naguumpisa pa lamang.

Matatandaang nakasama naman ng grupo si Roina Calabung, a.k.a Yna, bilang isa sa mga original VIYLine girls na nagsilbing katuwang ni Viy Cortez sa pagbuo ng kanyang negosyo. Minsan ring sumabak si Yna sa vlogging kasama si Kha Kha Villes at nagkaroon ng YouTube channel na tinaguriang “YnaKha

Habang si Josh Drake naman ay isa sa mga kababata ng magkakapatid na Cong TV, Junnie Boy, Pat Velasquez-Gaspar, at Venice Velasquez, na parating sinasama ni Cong sa kanyang mga vlogs. 

Sa kagustuhang sumibol pa ang kanilang mga kakayahan at patuloy na kilalanin ang kanilang mga sarili, napag-isapan muna nilang lisanin ang grupo ng Team Payaman sa magkakaibang panahon.

Sa isang vlog, ibinahagi ni Josh Pint ang dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang umalis sa Payamansion. 

“Let’s just say I want something more to happen sa akin, especially sa aking career. [Though] it’s been fun working with Cong TV for two years. But I have this feeling that I can do something more and that is to be a content creator,” paliwang ni Josh Pint. 

Ibinahagi rin naman ni Eunice Mendoza, dating editor ni Viy Cortez, ang kanyang naging rason sa paglisan ng Payamansion sa kanyang vlog.

“Nag-resign ako para magpahinga and para i-pursue na ang full-time dream ko to be a content creator and streamer” ani Eunice.

Bagamat malungkot ang naging paglisan ng ilang miyembro ng Team Payaman, buong puso itong nirerespeto ng CongTViy couple upang bigyan din sila ng oportunidad upang tuparin ang kanilang mga pangarap.

Where Are They Now?

Ang tanong ng bayan, “Nasaan na nga ba sila ngayon?” Pwes, sagot na ng VIYLine Media Group (VMG) ang inyong mga katanungan.  

Sa ngayon, si Yna ay isa ng kilalang social media influencer at paminsang-minsang kumakanta sa mga gigs. 

Habang si Eunice Mendoza naman ay patuloy ang pagtupad sa kanyang pangarap bilang YouTube content creator, pag-stream ng online games, at pag-upload ng mga TikTok skits.

Ang OG editor naman ni Cong TV na si Josh Pint ay nahanap ang puso sa paglalakbay at patuloy na pagbuo ng mga content para sa kanyang sariling YouTube channel.

Samantala, si Josh Drake naman ay abala sa kanyang negosyong milk tea shop na B Good Milk Tea na matatagpuan sa Sta. Ana, Manila.

Lumisan man ang ilang mga kasapi ng Team Payaman, hindi maitatanggi na patuloy silang parte ng nasabing pamilya saanman at kailanman. Ika nga ni leader ng grupo na si Cong TV: “Once a Team Payaman, always a Team Payaman!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.