Kasabay ng hindi makakailang “glow up” ni Angelica Jane Yap ay ang pagsabak nito sa panibagong yugto ng kanyang buhay bilang isang negosyante.
Kamakailan lang ay ipinakilala na sa publiko ang inabangang bagong negosyo ni Angel by VIYLine Cosmetics ambassadress Angelica Yap, na sya namang sinuportahan ng kanyang mga kaanak, kaibigan, at mga mahal sa buhay.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 28-anyos na vlogger na naging busy sya buhat ng kanyang mga gawain sa likod ng camera, kabilang na rito ang nilulutong pasabog para sa kanyang mga taga-suporta.
“Lately, ang daming ganap sa buhay ko,” panimula ni Angelica sa kanyang vlog na nagsilbing virtual update sa mga kaganapan sa kanyang buhay.
“Ang dami kong chika, ang dami kong kwento, ang daming nangyari!” dagdag pa nito.
Speaking of pasabog, unti-unti na ring ipinakita ng Angel by VIYLine Cosmetics ambassadress ang pagka-galak sa kanyang bagong tinatahak na negosyo.
Ayon kay Angelica Yap, ang mga kahon ay naglalaman ng mga produktong ilalabas ni sa ilalim ng kanyang sariling brand na tatawaging “Angel’s Glow Juice” at “Brew Slim Coffee.”
“Kung gusto mong gumanda, [magkaroon ng] glowing skin, [perfect ang Angel’s glow.]” pagmamalaki ni Angel sa kanyang produkto.
Ayon kay Angelica, malapit nang mabili ang kanyang mga produkto sa mga shopping platforms gaya ng Shopee, Lazada, at TikTok shop.
Supportive boyfriend naman ang peg ni Archie dela Cruz, a.k.a Flow G, sa kanyang pagtulong sa bagong negosyo ng longtime girlfriend.
Pagdating naman sa kanyang manpower, hindi binigo si Angel ng kanyang mga kasama sa buhay upang tulungan siya sa mga orders kapag nagsimula na itong ibenta sa iba’t-ibang shopping platforms.
Samantala, sinurpresa naman si Angel ng kanyang mga malalapit na kaibigan na pinamunuan ng nobyo nitong si Flow G.
“I-cocongrats lang natin siya [Angelica] sa bago niyang product kasi nakakaproud yung mga moves niya!” ani Flow G.
“Alam mo ba’t kita cino-congrats? Kasi, may sarili ka ng product at syempre, andito kaming mga proud na proud sa’yo. We’re your number 2 fan,” dagdag pa nito.
Watch the full vlog below:
Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…
Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
This website uses cookies.