Payaman Insider Boys Weigh the Traffic Problems and Solutions in the Country

Usapang transportasyon at trapiko sa Pilipinas ang pinagtuunan pansin ngayon ng Team Payaman boys. 

Sa panibagong episode ng Payaman Insider podcast sa Spotify, naging mainit ang diskyusyon nina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at Tryke Gutierrez sa paksa na apektado ang halos lahat ng mamamayan sa bansa. 

Lahat tayo ay paniguradong nakaranas nang maipit sa trapiko, kaya ibinahagi ng Payaman Insider hosts ang kanila opinyon at suhestyon sa hindi malutas-lutas na problema ng trapik sa bansa. 

Bakit madalas mabagal ang daloy traffic sa Pilipinas?

Para kay Tier One Entertainment CEO at co-founder Tryke Gutierrez, ang sobra-sobrang populasyon sa Metro Manila ang pangunahing nagdudulot ng trapiko. Aniya kailangan ibahin ng gobyerno ang estratehiya sa paglutas ng nasabing problema.

Sa tingin naman ni Junnie Boy, isa rin sa sanhi ng problema sa trapiko ay dahil madali para sa mga Pilipino ang bumili ng sasakyan. 

Pero para kay Boss Keng, nasa mga drayber na walang disiplina pa rin ang problema. 

“Yung mga driver na mismo, ayaw magbigayan, mga sugapa sa daan, paloko-loko sa daan. Kasi yung daan kahit sabihin mo na masikip yan, kung may sistema kayo sa pagda-drive, lahat ng mga tao may susundin (maayos yan),” ani Boss Keng. 

Dagdan naman ni Junnie Boy, napakadali rin kasing makakuha ng driver’s license sa bansa, na sya namang inihalintulad ni Boss Trke sa pagkuha ng lisensya ng mga doktor, abugado, at inhinyero. 

“Dati hindi ko maintindihan bakit ang tagal mag-lawyer, ang tagal mag-doktor, ang tagal mag-engineer. May nag-explain sa’kin, may nakataya kasing buhay dyan,” paliwanag ni Tryke.

“Halimbawa doktor, iklian mo yung pag-aaral, ilan pwedeng mapatay nyan? Kunwari lawyer, ilan ang kayang ipakulong nyan? So parang everytime ma may life at risk, kailangan hinihirapan yung barrier to entry. Eh ang driving same yan eh, pwede kang makapatay!” dagdag pa ng Tier One big boss. 

Posibleng solusyon sa lumalalang trapik sa bansa?

Nagbigay si Burong ng tatlong solusyon na sa tingin nya ay makakatulong sa paglutas ng problema sa trapiko ng bansa. 

Kabilang dyan ang pagpapalawak ng number coding system, pagbili ng maraming bus ng gobyerno, at ang pag phase-out ng mga lumang sasakyan. 

Para naman kay Keng, maging mas mahigpit sana ang pamahalaan sa pagbibigay ng lisensya sa mga nais magmaneho. Magpatupad rin aniya ang gobyerno ng mahihigpit na batas nang sa gayon ay maging disiplinado ang mga drayber. 

Payo naman ni Tryke, palawigin ang direct foreign investment sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas para dumami ang oportunidad dito at hindi na kinakailangan pang pumunta ng Maynila ng mga tao para magtrabaho. 

Sa huli, pinag-usapan din ng Payaman Insider boys kung bakit tila sukatan ng tagumpay ang pagbili ng sasakyan. Nagbigay din sila ng mga payo para sa mga nais bumili ng koste. 

Click this link to listen to the full episode.

Kath Regio

Recent Posts

Burong Macacua Shares Snippets of ‘Sun2Kan sa SkyDome’ Behind-the-Scenes

Masayang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood ang mga…

2 days ago

Mom Viy Cortez-Velasquez Shares Sweet Bedtime Moments with Kidlat and Tokyo

Isang sweet moment ang ibinahagi ni Mommy Viy Cortez-Velasquez matapos ang kanilang bedtime storytelling. Tunghayan…

3 days ago

TP Kids Takes Its Fun Learning Experience to Schools Across Metro Manila

With the goal of helping more kids enjoy learning, TP Kids is bringing its fun…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Share Fun Moments in Recent Food Adventure Episode

Katatawanan at unli food trip ang hatid ng mag-inang Viy Cortez-Velasquez at Zeus Emmanuel Velasquez,…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Holiday-Coded Fit Inspo for Your Next OOTD

We’re just a few weeks away from the holiday season, have you planned your dazzling…

3 days ago

Angelica Yap Opens Up About Being a Rap Superstar’s Girlfriend with Michelle Dy

Sa bagong episode ng Makeup Sessions Season 2, tampok sa vlog ni Michelle Dy ang…

3 days ago

This website uses cookies.