Team Payaman’s Chino Liu Joins ‘DonBelle’ in Star Cinema’s Comeback Movie ‘An Inconvenient Love’

Muling bibida sa isang pelikula ang nag-iisang Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino ng Team Payaman. 

Makakasama ni Chino sa pelikulang “An Inconvenient Love” ang tinaguriang “New Gen Phenomenal Love Team” na kinabibilangan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Ang nasabing pelikula ay itinuturing na “comeback movie” ng Star Cinema

Ano naman kaya ang ginagampanang papel dito ng pambato ng Team Payaman sa aktingan?

Chino Liu as Ben 1

Ayon sa Star Cinema, gaganap si Chino Liu bilang Ben 1, isa sa mga staff sa boutique plant shop na “HalaManny” na pagmamay-ari ng karakter ni Donny Pangilinan. 

Sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG), inilarawan ni Chino ang kanyang karakter bilang isang masipag at tapat na empleyado. 

Pero kwento ng vlogger na nakilala sa pag-iimpersonate kay Queen of All Media Kris Aquino, very challenging ang naturang role dahil unang beses lang nyang gumanap na lalaki sa isang pelikula. 

“Kaya siya challenging kasi I’m not Tita Krissy here. As Ben 1 ako dito na lalaki ang role. Kaya I find it medyo hard kasi labas na sya ng comfort zone ko,” ani Chino Liu.

Source: ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema)

Ano naman kaya ang naging paghahanda ni Chino para sa nasabing role?

“Sa kahit anong role, I always make sure I come prepared. I read the script, understand the story, and mold the character,” paliwanag ni ng batikang vlogger. 

Malaking tulong din aniya ang mga tips ng kanyang mga kapwa aktor na sina Adrian Lindayag, Matet de Leon, at direktor ng pelikula na si Petersen Vargas. 

Working with DonBelle

Nang kamustahin naman ng VMG ang naging trabaho nito kasama ang sikat na sikat na tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano,  halos maubusan si Chino ng magagandang salita para ilarawan ang DonBelle. 

“Ay nako! Wala akong masabi… sobrang bait! Grounded & super humble. Maganda ang naging pagpapalaki ika nga,” kwento ni Chino. 

“Hindi mo mararamdamang iba ka. They also assist you sa set, sa eksena, and off cam, masaya rin kausap at kasama. Very generous din!” dagdag pa nito. 

An “An Inconvenient Love” ay mapapanood sa mga sinehan sa darating na Nov. 23. 

Kath Regio

View Comments

  • thank you tita krissy for the compliment s aming Donbelle see you on nov 23.. congrats in advance

  • Can't wait to meet you Ben 1 or Ate Krissy!!! DonBelle X Team Payaman member 😭💯❤️❤️❤️

  • Awww. Can’t wait to watch you tita Krissy! Fan of DonBelle here and I’m happy you got to work with them. Wishing you more success! ❤️

  • Thank you for this article. Sobrang excited na kami sa movie na ito with DonBelle and the rest of cast. Super exciting.

  • We're happy that you worked with our mains po 🥰 Manifesting for a blockbuster hit for this movie! ❤️ #DonBelle

  • #DonBelle is really fun to work with. Their past co- artists on their past projects can attest that they're really good and so welcoming. It's good to hear that you spend a good time with DonBelle! Hope more projects to come for them and with you also. Btw, excited for Ms Krissy's character in the movie 🥰

Recent Posts

Unforgettable Highlights from Mrs. Imelda Cortez’s Grand 60th Birthday Celebration

Isang masaya at 'di malilimutang milestone ang ginanap sa Torres Farm Hotel and Resort para…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Celebrate Their Anniversary With a London Getaway

Naging espesyal ang anniversary trip ng Team Payaman couple na sina Viy Cortez-Velasquez at Cong…

2 days ago

Ninong Ry Cooks Up a Chinese Feast for Comedy Legend Vic “Bossing” Sotto

Sa pinakabagong vlog ng food at content creator na si Ninong Ry ipinasilip niya ang…

3 days ago

An Aesthetic Clinic Welcomes Yiv Cortez as the Newest Addition to Their Family

Excited na inanunsyo ng nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez ang isang…

5 days ago

Team Cortez-Velasquez Joins the Fun at Kidlat’s School Fun Run

Nakisaya sina Mommy Viy at Daddy Cong sa fun run ni Kuya Kidlat na ginanap…

5 days ago

Team Payaman’s Genggeng Shares a Glimpse of Life as UnionDigital Bank’s Social Media Manager

Isang pasilip sa kanyang buhay bilang estudyante at UnionDigital Bank social media manager ang hatid…

5 days ago

This website uses cookies.