Ninong Ry x Haring Bangus: 3 Easy Ways To Level Up Boneless Bangus Belly

Boneless Bangus Belly 3 Ways! Yan ang hatid sa atin ni Ninong Ry, isa sa mga tinitingalang culinary vlogger sa mundo ng  YouTube. 

Pero hindi lang basta-bastang bangus ang niluto ni Ninong Ry dahil mula ito sa Haring Bangus business ni Team Payaman member Michael Magnata, a.k.a Mentos

Kamakailan lang ay ipinakilala ni Mentos sa publiko ang mga katakam-takam na Belly Garlic at Belly Garlic Spicy ng Haring Bangus. Hindi maipagkakaila na isa ito sa paboritong pagkain ng Team Payaman dahil sa taglay nitong sarap sa murang halaga.

Sa kanyang bagong vlog, pinakita ni Ninong Ry ang ilan sa mga paraan upang mas lalong mapasarap at ma-enjoy ang boneless bangus belly ala Mentos. 

Ninong Ry x Haring Bangus

“‘Pag binigyan tayo ng bangus, tropa na natin ‘yan diba?” yan bungad ni Ryan Morales Reyes, a.k.a Ninong Ry, matapos hatiran ni Mentos ng kanyang mga produkto.  

Ang Haring Bangus ay nag-aalok ng malalaman at malinamnam na boneless bangus belly mula sa Dagupan. Hindi lang ito basta-bastang bangus dahil ang kakaibang timpla nito ay na namana pa ni Mentos sa kanyang mga magulang.

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ng ninong ng bayan ang tatlong paraan ng pagluluto ng bangus belly. 

Let The Cooking Begin

Matapos ang kwelang chikahan, ibinahagi na ni Ninong Ry ang kanyang mga naisip na putaheng swak sa ipinagmamalaking produkto ng Haring Bangus. 

Una na rito ay ang Baked Bangus. Naisipan ni Ninong Ry na gawing mas madali ang proseso ng kanyang Baked Bangus sa pamamagitan ng paglagay nito sa aluminum foil na siyang pinalamanan ng mayonnaise at keso. 

Ang sumunod naman na putahe ay ang Teriyaki Bangus Katsu o bangus belly na sinamahan ng teriyaki sauce.

Sa putaheng ito, sinimulan ni Ninong Ry na magpakulo ng luya at sibuyas para sa sarsa. Matapos nito, agad nang inihanda ng YouTube chef ang breading mix na siyang paglalatagan ng bangus belly upang makabuo ng crispy texture na sakto para sa teriyaki sauce.

Upang kumpletuhin ang bangus belly menu, naisipan din ni Ninong Ry na magluto ng Curry Bangus with a twist, dahil sariling recipe ng curry paste ang gagamitin ng ninong ng bayan sa pagluluto nito.

Pinaghalo nito ang sibuyas, luya, bawang, at spices upang makabuo ng curry paste. Para naman sa bangus belly, ibinalot muli ito ni Ninong Ry sa harina bago iprito na talaga namang swak na swak sa kanyang curry sauce.

Taste Test

At syempre, hindi kumpleto ang cooking show kung walang mga huradong titikim at hahatol sa mga inihandang putahe ng nag-iisang Ninong Ry.

Matapos maluto ang Baked Bangus, Teriyaki Bangus Katsu, at Bangus Curry, agad na tinikman nina Mentos, Carding, Ninong Ry, at mga kaibigan nito ang mga putahe.

“Ang sarap!” hatol ni Mentos.

Ayon naman sa ibang mga food tasters, “Solid nito [bangus], pare!”

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline Print Brings TP Fan Must-Haves to the Viyline MSME Caravan

Solid Team Payaman fans, raise your hands! If finding official TP merchandise is one of…

18 minutes ago

Little Pat or Little Keng: Tracing Baby Ulap’s Adorable Features

Matapos matunghayan ang hindi matatawarang karanasan ng pamilya Velasquez-Gaspar sa pagdating ni Baby Ulap, usap-usapan…

8 hours ago

Here Are the Best Ways to Use Viyline’s Perfect Scent Spray N’ Wipe for Quick Clean-Ups

Looking for a cleaner that smells amazing and gets the job done fast? Viyline’s Perfect…

8 hours ago

EXCLUSIVE: Pat Velasquez-Gaspar Shares the Birth of Ulap Patriel

February 28, 2025 nang ipanganak na ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang…

11 hours ago

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

1 day ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

2 days ago

This website uses cookies.