Categories: SALE & PROMOTIONS

Haring Bangus: Find Out Team Payaman’s Favorite Bangus Belly Dish

Ipinakikila na ngayon sa publiko ni Team Payaman member Michael Magnata, a.k.a Mentos, ang kanyang bagong negosyo, ang Haring Bangus. 

Mula sa pagiging driver ni Cong TV hanggang sa maging ganap na ring content creator ng Team Payaman, abala naman ngayon si Mentos na ipatikim sa lahat ang kanyang tinatagong sikreto. 

Pero ano ba ang kwento sa likod ng Haring Bangus ni Mentos? 

Inherited Recipe

Sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) ibinahagi nito kung saan nagmula ang recipe ng kanyang mga produktong Bangus Garlic at Bangus Garlic Spicy.

Bagamat karaniwan na aniya ang Boneless Bangus sa merkado, mayroong siyang natikman na timpla ng Bangus Belly na talaga namang hindi niya makalimutan. 

“Bigla pumasok sa isip ko yung pinatikim sakin ng nanay at tatay ko yung spicy bangus garlic na sila mismo nag timpla,” ani Mentos. 

Kwento pa nito, madalas gawing pulutan o ka-partner ng alak ng kanyang amang Bicolano ang naturang recipe.

“Naalala ko yung lasa na yun, masarap sya kaya naisip ko na hindi lang garlic, pati spicy yung ibenta ko sa market,” dagdag pa nito. 

Taong 2020 nang maisipan ng 29-anyos na vlogger na ibenta ang nasabing produkto sa tulong ng kanyang nakatatandang kapatid na si Brian. Ngunit hindi siya naging consistent sa pagde-deliver ng orders kaya nahinto ito pansamantala. 

Hanggang sa isang araw, day off ni Payamansion Chef Kenneth Silva at naghahanap ng ulam ang Team Payaman at naisip nila ang Bangus Belly recipe ni Mentos. 

Dito na rin siya hinikayat ng kapwa Team Payaman member na si Vien Iligan-Velasquez na muling ituloy ang naudlot na negosyo.  

“Syempre ang number 1 suki ko si buntis, Vien Velasquez. Siya yung nag push at nagbigay ng idea na ibenta ito outside Team Payaman.”

Bukod kay Brian, tinutulungan rin si Mentos ngayon sa nasabing negosyo ng kanyang kababata na si Adam Navea na nagsisilbing business partner nito sa Haring Bangus. 

“Sa mga tao na yan malaki yung pasasalamat ko kasi ako talaga kabado sa mga ganitong bagay pero naglakas loob ako and sa tulong nila yung kaba napalitan ng kumpiyansa.” 

Haring Bangus

Sa ngayon ay patok na patok hindi lang sa Team Payaman ang mga panindang Boneless Bangus Belly ni Michael Magnata. Kaliwa’t-kanan na rin ang natatanggap nyang orders mula sa mga kapitbahay, kaibigan, at fans ng kanilang grupo. 

Kamakailan lang ay inanunsyo rin ng Haring Bangus ang kanilang kauna-unahang partner tapsihan na Apa Nagimas

Dito niyo matitikman niyo ang Special Spicy Bangus Belly with Buttered Veggies at Garlic Bangus Belly with Egg na may kasama ring kanin, perfect mapa almusal, tanghalian, at hapunan, isama mo na rin pati merienda at midnight snack!

Photo by: Apa Nagimas Facebook page

Bagamat bago pa lang sa negosyo, plano rin daw ni Mentos na dagdagan ng ibang flavor ang kanyang Bangus Belly. Asahan aniya ang mga bagong flavors ng Haring Bangus na tiyak na swak sa inyong mga handaang Pinoy ngayong darating na Pasko. 

Samantala, aminado si Mentos na hindi niya inaasahan ang magandang pagtanggap ng Team Payaman at ng publiko sa kanyang mga produkto. 

“Sa totoo lang hindi ko inasahan yung outcome. Karaniwan kasi ‘di ba ang gusto ng tao mga cold cuts pero sumugal pa din ako na sana magustuhan nila at hindi ako nagkamali.”

“Tapos yung mga feedback ng mga bumili at nakapag try ng belly satisfied sila ang sarap daw. Ngayon palang sa mga suki ko, maraming maraming salamat sa inyo sa patuloy na pagtangkilik kay Haring Bangus.”

Sa halagang Php 210, maari mo ng tikman ang Bangus Garlic ni Mentos, habang Php 220 naman para sa Bangus Garlic Spicy. Bisitahin lang ang opisyal na Facebook page ng Haring Bangus at magpadala ng mensahe para mag-order. 

Haring Bangus x Ninong Ry

But wait, there’s more! Sa mga susunod na araw ay abangan nating lahat ang pasabog na collaboration ng Haring Bangus at ng tanyag na chef content creator sa bansa, walang iba kundi si Ninong Ry.

Kilala si Ninong Ry sa YouTube bilang kusinero na nagtuturo ng iba’t-ibang klase ng putahe sa iba’t-ibang paraan o luto. Nariyan ang “Marinated Chicken 3 Ways,” “Hipon 10 Ways Worldwide,” “Chicken Burger 3 Ways,” at iba pa. 

Kaya naman kaabang-abang ang collab na ito dahil inaasahang ipapakita rin ni Ninong Ry ang “Bangus Belly 3 Ways” gamit ang Boneless Bangus Belly ng Haring Bangus. 

Kath Regio

Recent Posts

How Future Glow is Changing the Beauty and Wellness Landscape in the Philippines

Have you ever wondered who’s the big name behind the crowd-favorite wellness brands you see…

3 days ago

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

6 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

6 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

7 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

1 week ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

1 week ago

This website uses cookies.