Cong TV Reveals Team Payaman in Payamansion is Only a Part of Reality TV Show?

Kilala ang Team Payaman sa pangunguna ni Cong TV bilang isa sa pinakamalaki at pinaka sikat na grupo ng content creators sa bansa. Patok sa publiko ang kanilang mga kwelang videos na nagbabahagi ng kanilang tunay na buhay. 

Pero sa kanyang bagong vlog, inamin nga ba ni legendary YouTube vlogger Cong TV na ang buong Team Payaman na naninirahan sa content house na “Payamansion” ay parte lang ng isang malaking reality TV show?

Payamansion Reality TV?

“Eto na, aaminin ko na…” panimula ni Cong TV bago ang diumanoy rebelasyon tungkol sa kanyang grupong Team Payaman.

“Ang Payamansion po ay hindi totoong lugar. Isa pong studio house ang Payamansion at itong nakikita niyo, ito po talaga yung set,” dagdag pa nito habang pinapakita ang isang parte ng Payamansion na puno ng camera at lights set-up.  

Paliwanag ni Cong TV, ang lahat umano ng napanood na vlogs sa Payamansion ay pawang scripted lamang.

“Kung pamilyar po kayo sa The Truman Show, yun lang din po talaga ang Cong TV, guys. Lahat ng napanood niyo sa amin, scripted po lahat yan.”

Dagdag pa ng 30-anyos na vlogger, lahat ng miyembro ng Team Payaman ay kabilang lang sa isang malaking casting. 

“Meron pong tao sa likod ng camera, eto po lahat sila. So ayun guys, ito na po yung the end nung show.”

Payamansion Replica Set

Hep, hep, hep! ‘Wag maging funny-walain! Dahil ang mga nabanggit na kataga ni Cong TV ay parte lang ng kanyang huling vlog kung saan nasa isang studio set ito na ginaya ang mismong itsura ng isang kwarto sa Payamansion. 

Katunayan, ang naturang set ay parte ng kanyang commercial shoot para sa Maya Philippines. Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na naging mukha ng Maya si Cong TV. Una na itong lumabas sa kanilang online campaigns na siyang pumatok sa netizens. 

Sa nasabing vlog, makikita ang transformation ni Cong TV suot ang iba’t-ibang costume bilang parte ng bagong commercial. Isa na sa mga ito ang ang purple at pink superhero costume kung saan bidang-bida ang asset na parte ng katawan ni Cong TV. 

Paliwang ni Cong: “Opo, ito po ay replication ng podcast area sa Payamansion. Kuhang kuha nila! Ginawa nila ito sa loob ng dalawang araw.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.