Fan Dedicates Emotional Appreciation TikTok Reel for Team Payaman

Sa likod ng walang sawang pagpapasaya ay ang mga tunay na sumusuporta sa pinakamalaking grupo ng content creators sa bansa, ang Team Payaman.

Hatid ng solid Team Payaman fans ang kanilang pasasalamat sa nasabing grupo na kanilang ipinakita sa pamamagitan ng isang TikTok video.

Team Payaman Pandemic Era

Bago pa man baguhin ng COVID-19 pandemic ang buhay ng lahat ay matunog na ang katagang “Team Payaman” sa social media. Pero buhat nang mag-lockdown noong Marso 2020 ay mas naging maugong pa ang pangalan ng grupo dahil sa kanilang sunod-sunod na nakakaaliw na videos sa YouTube. 

Sa kabila ng pangamba at takot ng mga netizens sa COVID-19, tila isang anghel na bumaba mula sa langit ang Team Payaman dala ng kanilang daily vlogs.

Nangunguna palagi sa YouTube ang videos ng magnobyong Cong TV at Viy Cortez, kung saan ipinapakita nila ang araw-araw na buhay kasama ang grupo sa kanilang content house na tinaguriang “Payamansion.”

Kasabay nito ay ang pag-usbong rin ng mga YouTube channel ng iba pang miyembro ng Team Payaman gaya nina Junnie Boy, asawa nitong si Vien Iligan-Velasquez, Boss Keng, Pat Velasquez-Gaspar, Yow Andrada, at iba pa. 

Token of Appreciation

Sa isang top trending TikTok reel, handog ng isang fan ang kanyang munting pasasalamat para sa lahat ng bumubuo ng Team Payaman. 

Ang nasabing video ay naglalaman ng mga pinagsama-samang mga clips mula sa mga vlogs ng Team Payaman magmula pa noong 2020. 

Kwento ng TikTok user na si @pigg_hatii, March 2020 nang una niyang mapanood ang vlog ni Viy Cortez na pinamagatang “Spelling Viy” bago tuluyang nahumaling sa buong Team Payaman. 

“Tawang tawa ako at aliw na aliw sa vlog ni ate Viy, kaya naman nag-subscribe ako kay ate Viy kahit ‘di ko pa kilala yung vibe nyang kasama. Hanggang sa nakilala ko yung Team Payaman,” paliwanag ng fan. 

“Nakakatuwa na na-achieve na nila mga goal nila sa buhay kahit kulang sila. Thank you Team Payaman for inspiring me!” dagdag pa nito. 

Netizens’ Reaction

Ang nasabing TikTok reel rin ay umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens. Bukod sa kanilang patuloy na pag-suporta at pag-nood sa mga vlogs ng Team Payaman, ay ang kanilang nakakatuwang mga mensahe sa nasabing grupo.

FYP Entertainment: “Solid ka-paa since 2017! Hahaha!”

Krazy rapid boots: “Same, si Viviys din unang TP na napanood ko, tapos nakita ko si Cong sa vlog ni Jawo. ‘Yun, hanggang sinearch ko sa youtube: Cong tV at nalaman ko, nanood na ako.”

Ronx: “Halos ‘di ako natulog that night para maubos yung vlogs ni ate Viy. Memories!”

John Eric Climaco: “Sa totoo lang team payaman, sobrang helpful niyo sa mga tao na katulad ko na may pinagdaraanan, tanging channels niyo na lang nakakapagpawi ng anxiety at depression ko, PLEASE, PLEASE. Wag kayo mag sawa na pasayahin mga tao lalong lalo na sa mga may pinagdadaanan. GOD BLESS YOU. PAWEEER!!!”

Watch the TikTok video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.