Top 3 Kilig Moments from ‘Sana’ Music Video BTS by Kevin Hermosada

Higit isang linggo na ang nakalipas matapos ilabas ang official music video ng kantang “Sana” ng bandang Libre. Naka-move on na ba ang lahat sa tila mapanakit na ending nito?

Sa kanyang bagong vlog, pinasilip ni “Libre” frontman Kevin Hermosada ang ilang behind-the-scene sa kauna-unahang pagtatambal nina Team Payaman editor Brylle Galamay, a.k.a Bods at aktrest at model na si Isabelle Delos Santos. 

Pero bago tuluyang makita ng madla ang music video nay pinasilp muna ito ni Kevin sa ilang miyembro ng Team Payaman. Bagamat samu’t-sari ang kanilang reaksyon, nanaig ang kilig sa natural na chemistry ng dalawang bida. 

Kung medyo masakit ang ending ng naturang music video, hatid naman ni Kevin ang ilang kilig moments sa likod ng camera. Samahan niyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating balikan ang top 3 kilig moments sa naturang BTS vlog. 

Top 3 : Stairs Scene

Kung kinilig kayo sa eksenang pinakita sa “Sana” music video teaser, tiyak na mas kikiligin kayo sa isa pang eksena nina Bods at Isa. 

Ito ay ang eksena kung saan nasa hagdan ang dalawa at nagpapanggap na kausap ang isa’t-isa sa video call. 

Pero para mas maging makatotohanan ang kilig ay tinawagan talaga ni Bods si Isa na syang kinakilig ng lahat ng tao sa set. 

“Hala kinikilig! Walang totohanan, acting-acting lang! Pasimple rin ‘to si Bods noh?” tukso ng direktor sa dalawa. 

Top 2: Uncontrollable Kilig

Pumapangalawa sa BTS kilig moments nina Bods at Isa ay ang paggawa ng huling eksena kung saan kailangan magpakita ng malungkot na emosyon si Bods. 

Pero bago tuluyang makunan ay eksena ay tila hindi nito mapigilan ang kanyang ngiti sa tuwing titingin sa mukha ni Isa. Patunay lang na hindi lang pang harap ng camera ang chemistry ng dalawa. 

Top 1: Throwback Split Screen Clips

At syempre, sino bang hindi kinilig sa pa-throwback ni Kevin Hermosada sa ilan sa mga memorable “split-screen” moments nina Bods at Isa. 

Matatandaang nagsimulang tuksuhin ang dalawa sa isa’t-isa sa mga vlogs ni Team Payaman member Yow Andrada. Si Isa ay isa sa mga co-actors ni Yow sa Net 25 sitcom na Quizon CT. 

Dahil parehong single sina Bods at Isa ay tila pinagtambal ni Yow ang dalawa sa pamamagitan ng pagka-kamustahan sa video kahit hindi pa sila nagkikita sa personal o online. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

3 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

5 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

5 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.