#VIYcozYouAsked: Team Payaman’s Kha-Kha Villes Reveals Her Ideal Guy

Kilala si Karen Joy Villes, a.k.a Kha-Kha, bilang isa sa mga miyembro ng Team Payaman. Isa si Kha sa mga unang kasama ni Viy Cortez habang nagsisimula pa lang ito sa negosyo nyang VIYLine Cosmetics

Pero sino nga ba si Kha-Kha at bilang isa sa mga single ladies ng Team Payaman Wild Cats, ano nga ba ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki?

‘Yan ang mga katanungan ng isang netizen na matapang na sinagot ni Kha sa “Viycoz You Asked” segment ng 4PM Kapitbahay Live Updates ng VIYLine Media Group (VMG). 

From agent to sales manager

Lingid sa kaalaman ng iba, bago naging ganap na VIYLine girl si Kha-Kha Villes ay nagsimula din ito bilang real estate agent.

Dahil sa kanyang sipag at malaking ambag sa tagumpay ng VIYLine Cosmetics ni Viy Cortez, hindi nagtagal ay siya na ang namumuno ng kanyang sariling team bilang sales manager. 

Source: @khakhavilles Instagram
Source: @khakhavilles Instagram

Sa kabila ng kanyang posisyon, puspusan pa rin ang pagtatrabaho ni Kha kaya naman patuloy na dinadagsa ng orders ang VIYLine Cosmetics araw-araw. 

At gaya ng kanyang butihing boss, hindi rin nito kinakalimutan na ibahagi sa kanyang pamilya at mahal sa buhay ang mga tinatamasang biyaya. 

Kha-Kha’s ideal guy

Sa VIYcoz You Asked segment ng 4PM Kapitbahay Live Updates sa Facebook ng VIYLine Media Group, matapang na sinagot ni Kha ang tanong ng isang netizen kung ano ba ang kanyang ideal guy. 

Bagamat “age doesn’t matter,” inamin ng 25-anyos VIYLine Sales Manager na mas gusto nya ang mga lalaking mas may edad kaysa sa kanya. 

Mahilig ako sa matanda, bet ko yung mga higher sa edad ko, mga ten years yung gap. Kahit gaano ka-gwapo, pag nalaman ko yung edad na bagets or mas bata sakin, nawawala yung pagka-gwapo,” paliwanag ni Kha. 

Dagdag pa nito, bet na bet din niya ang mga lalaking  chubby o may mala “Dad Bod” na katawan dahil mas huggable ang mga ito. 

At higit sa lahat, hinahanap daw niya sa isang lalaki ay yung responsable at may hanapbuhay. 

“Hindi ko kailangan ng mayaman na lalaki kasi kaya kong magtrabaho para sa sarili. Ang kailangan ko yung mamahalin ko.”

VIYcoz You Asked, sasagutin yan agad-agad!

Kapitbahay, may katanungan ka din ba para sa Team Payaman members? Ano pang hinihintay mo, mag-abang na sa 4PM Kapitbahay Live Updates ng VIYLine Media Group sa Facebook tuwing Lunes hanggang Biyernes. 

I-comment lang ang #VIYcozYouAsked kasama ang katanungan sa inyong mga lodi at malay mo, ikaw na ang susunod na mapansin at ma-shoutout pa ng Team Payaman!

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

37 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

44 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.