Payamansion Now Open for Tour and Wedding Proposal Services?

Hindi maikakaila na ang content house ng Team Payaman na tinaguriang “Payamansion” ay isa sa mga sikat na bahay sa mundo ng social media sa Pilipinas. Dahil sangkatutak na content creators ang naninirahan dito ay naging iconic na ang naturang bahay sa mga fans ng grupo. 

Ngayong nalalapit na ang pag-alis ng Team Payaman sa nasabing bahay, tila naisipan ni Cong TV na buksan ang pinto ng kanilang tahanan sa publiko para sa iba’t-ibang serbisyo. 

Sa kanyang bagong vlog na pinamagatang “Servis,” inisa-isa ni ng 30-anyos na vlogger ang mga serbisyong pwede diumanong mapakinabangan ng publiko sa Payamansion. 

Proposal Services

Paliwanag ni Cong TV, dahil may lalaki na nais alukin ng kasal ang kanyang nobya sa Payamansion, naisipan nilang mag-alok ng “Payamansion Proposal Services.” Kasama sa naturang serbisyo ang performance ng Team Payaman Choir. 

“Propose na kayo dito, ano pang hinihintay nyo!” ani Cong TV. 

Pero ang buong katotohanan ay kasabwat si Cong TV, ang buong Team Payaman at ang VIYLine Media Group (VMG) sa nasabing marriage proposal. Ang mag nobyo ay authorized City Distributor ng VIYLine Skincare mula sa Cagayan Valley. 

Pagdating sa Payamansion ng magkasintahan na Ritz at Maricon, agad silang sinalubong ni Cong TV at nagkunwaring pinagbayad si Ritz ng “Team Payaman House Tour Services and Meet and Greet.”

Habang nagpi-picture taking si Maricon kasama ang Team Payaman, hindi nya alam na nasa likod ang nobyong si Ritz at handa na sa kanyang proposal. 

Mas lalong naging espesyal ang nasabing proposal dahil sa tulong ng buong Team Payaman. 

Abangan ang buong kwento sa likod ng kakaibang marriage proposal na ito sa VIYHind the Scene episode sa VIYLine Media Group official YouTube channel

Payamansion House Tour Service

Samantala, dahil sa isang grupo ng Team Payaman fans ang sumugod sa Payamansion ay binuksan na diumano ni Cong TV ang “Payamansion House Tour Service” sa publiko. 

Biro ni Cong sa nasabing grupo, kailangan may booking sila sa pagbisita dahil may bayad na aniya ang magpa-picture sa kanila. 

Agad namang pinaunlakan ni Cong TV ang lahat ng nais magpa-selfie pati na ang isang fan nyang senior citizen. 

“Nanay, mamamasko po ba kayo?” tanong ni Cong TV sa maswerteng tagahanga. 

“Bigyan ng five thousand!” dagdag pa nito na syang nagpatalon kay Nanay sa tuwa.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.