Bumiyahe papuntang La Union ang ilang Team Payaman members para mag-unwind nitong nakaraang long weekend. Bagamat naiwan sa Payamansion sina Cong TV at Burong, hindi nila pinalampas ang pagkakataon para gumawa ng sariling adventure.
Sa kanyang latest vlog, ipinakita ng 30-anyos YouTube vlogger ang kanilang naging epic experience sa panonood ng live basketball game ng Gilas Pilipinas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matatandaang minsan nang nagsilbing “official cheering squad” ng pambato ng Pilipinas sa SEA Games sa Vietnam ang Team Payaman. Pero ngayon, imbes na sina Junnie Boy at Boss Keng, ang kasama ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, ay ang nag-iisang Cong TV.
Excited na umalis ang dalawa patungo sa MOA Arena at nakuha pang tawagan si Boss Keng para inggitin sa kanilang mapapanood na laban.
“Ngayon lang ako makakakita ng NBA player sa buong buhay ko, boy! Pangarap na pangarap ko ‘to boy! Matagal na boy, bata palang ako boy!” ani Burong.
Pagdating sa destinasyon, agad bumili ng ticket ang dalawa para masaksihan ang laban ng Gilas Pilipinas at Saudi Arabia para sa Fiba World Cup Qualifiers.
Nagmistulang “fanboys” sina Cong at Burong nang makadaupang palad ang ilang Gilas Pilipinas players gaya nina Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, at Scottie Thompson.
Hindi rin napigilan ng dalawa na sumisigaw sa galak nang makita ang Filipino-American NBA player na si Jordan Clarkson.
Pinaunlakan din ng dalawa ang ilang Team Payaman fans na lumapit at nagpa-selfie sa kanila.
Perfect na sana ang Gilas Pilipinas experience ng dalawa, ngunit nahaluan ito ng isang nakakapanghinayang na sadali.
Excited sina Cong TV at Burong nang pumasok na sa court si Jordan Clarkson.
“Eto na ang binayad natin, boy! Eto na ang five thousand!” bulalas ni Burong.
Ngunit sa kalagitnaan ng laro ay naistorbo sila ng arena marshall na nakiusap na lumipat sila sa tamang pwesto ng nabiling ticket.
Habang busy sa paglipat ng upuan ay nagsigawan ang crowd ngunit hindi nasaksihan ng dalawa ang nangyari.
Ano kayang epic moment ng laro ang hindi nasaksikan ni Cong TV at Burong?
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.