Yow Andrada of Team Payaman Shares Glimpse of Life Outside Vlogging

Hindi nagpahuli si Team Payaman member Yow Andrada na ipasilip sa netizens ang kanyang back-to-back “ganaps” kamakailan lang.

Ang mga ganap na ito ang dahilan kung bakit tila “missing in action” ang tinaguriang “content material” sa Payamansion.

Sa kanyang latest vlog, pinakita ni Yow ang mga pinagkakaabalahang ganap sa buhay bilang isang bandista at artista.  

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang mga kaganapan sa buhay ni Waldo bukod sa “mag-apply ng work ihh!”

Bibo Raketero

Certified “Raketero” ang peg ni Yow Andrada dahil sa kanyang sunod-sunod na gigs, taping, at photoshoot bilang ganap na artista at bokalista ng banda. 

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng 31-anyos content creator ang ilan sa mga pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang mga buwan.

Unang-una sa listahan ni Waldo ay ang gig ng bandang Yno sa “Clark Aurora Fest” at ang pagtugtog sa  “Jaiga The Dream Concert.”

Matapos ang kanilang successful performance, ibinahagi rin ni Yow ang naganap na photoshoot para sa kinabibilangang sitcom na Quizon CT na mapapanood sa Net 25.

Sa nasabing photoshoot, kitang-kita na nakabuo na si Yow ng solid na pagkakaibigan sa mga cast at crew ng nasabing palabas.

Bilang ganap na artista, kasama rin sa pinagkakaabalahan ni Yow ang shooting o taping ng bagong kinabibilangang palabas na “Anong Meron kay Abok.” Kasama niya rito ang beteranong  komedyante at aktor na si Empoy.

“Feeling ko, kaunti nalang… Makukuha na akong artista. Pero promise, isa yan sa mga goal ko na makita n’yo” — Yow Andrada, 2022.

Bitin sa chikahan? ‘Wag kalimutan i-follow si Yow sa kanyang official Instagram account na may username na @yowandrada, para lagi kayong updated sa latest “ganap” ni Waldo. 

Para sa iba pang eksklusibong chikahan tungkol sa VIYLine at buong Team Payaman, i-follow lang ang official Facebook, Instagram, Twitter, TikTok at YouTube ng VIYLine Media Group. 

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

3 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 week ago

This website uses cookies.