Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Surprise Employees With Generous Gifts

Ika nga nila, the best things happen to those who persevere. Ang motto na ito ay nananatiling pinaniniwalaan ng mag-asawang Boss Keng at Pat-Velasquez Gaspar.

Kamakailan lang ay sinorpresa ng YouTube power couple ang ilan sa kanilang mga masisipag na empleyado.

Ano naman kaya ang makapigil-hiningang surpresa na hatid ng PatEng tandem sa mga managers ng kanilang food business na Wagyuniku by Pat and Keng?

Hard Work Pays Off

Dahil sa kagustuhang masuklian ang kasipagan ng kanilang butihing mga empleyado, napag-isipan nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar na ibalik ang katapatan ng kanilang mga managers sa pamamagitan ng munting regalo.

Sa tulong ng Mobile Cart PH, ang suki ng Team Payaman pagdating sa authentic Apple gadgets, naging mas mabilis ang pagbili at pagsasakatuparan ng surpresa na inihanda ng PatEng.

Isinagawa ng mag-asawa ang nasabing surpresa sa gitna ng buwanang pagpupulong kasama ang mga staff ng Wagyuniku by Pat and Keng. Paliwanag ng mag-asawa, ginagawa nila ang ganitong meeting upang balikan ang naging progreso at kailangan pang ayusin sa nasabing negosyo.

“Sobrang saya ng puso ko na nakikita ko kayong nag-go-grow as a family. Kasi sinimulan namin [ni Keng yung business] from scratch talaga. Lahat kayo na-witness nyo yung sobrang struggle tayo. Maraming salamat sa patience n’yo, pagmamahal sa trabaho, sa malasakit,” ani Pat sa kanyang mga empleyado.

Matapos ang emosyonal na pasasalamat, inilabas na ni Pat ang supresa nilang iPhones para manager at supervisor ng Wagyuniku BF Aguirre branch. 

“Deserve nila itong small appreciation na ibinigay namin ni Keng,” dagdag pa ng 26-anyos na vlogger.

Surprise Prank

But wait, there’s more!

Hindi pa tapos ang surpresa na hatid ng PatEng couple dahil hindi mawawala sa listahan ang executive assistant nitong si Hannah.

Dahil sa sipag at tiyaga ng bestfriend-turned-secretary ni Pat, napagtanto nina Boss Keng at Pat na ito na ang tamang panahon upang regaluhan si Hannah.

Nag-ala best actress muna ang bunsong kapatid ni Cong TV na naging daan upang i-prank ang kanilang secretary.

“May kasalanan ka pala sa akin!” panimula ni Pat.

Binalot ng kaba si Hannah dahilan upang maging exciting ang planong surpresa ng mag-asawang Boss Keng at Pat.

“Chariz! iPhone!” panggugulat ni Pat sabay bigay ng kanilang surpresa.

Labis aman ang  tuwa at pasasalamat ni Hannah sa regalo at tiwalang binigay sa kanya nina Pat at Keng. 

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.