Team Payaman’s Burong and Kevin Hufana Shares 3 Job Interview Tips to Get You Hired


Isang kakaibang YouTube vlog ang hatid satin kamakailan lang ng resident BPO expert ng Team Payaman na si Aaron Macacua, a.k.a Burong. 

Kung isa ka sa mga naghahanap ng trabaho ngayon, sagot na ng latest vlog nina Burong at Kevin Hufana ang mga tips para maipasa ang inyong job interview. 

Ang vlog na ito din aniya ay pagpapaunlak sa matagal ng request ng mga netizens na magbigay siya ng tips para magkaroon ng lakas ng loob sa pagharap sa mga panayam para makapasok sa trabaho. 

Samahan niyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at isa-isahin natin ang mga tips na magbibigay sa inyo kumpyansa at tiyak na maririnig ang mga salitang  “You’re hired!”

Be Prepared

Nangunguna sa listahan ng tips nina Burong at Kevin ay ang pagiging handa sa inyong job interview. Pero anong klaseng paghahanda nga ba ang dapat unahin? Ayon sa dalawang Team Payaman members, importanteng alamin ang background ng kumpanya at ang job description ng posisyon na iyong nais pasukin. 

Bagamat malaki ang maitutulong nang pagre-research, paalala ni Kevin na umiwas naman sa pagiging “over prepared” sa mga impormasyon. 

“Minsan sa sobrang gusto natin na alam natin lahat, kapag tinatanong na tayo ng HR or interviewee, hindi natin nasasagot ng precise kasi sa sobrang daming laman ng utak natin kasi over prepared tayo,” ani Kevin Hufana. 

Payo naman ni Burong, ilista ang mga karanasang may kinalaman sa ina-apply na trabaho para madali para sa inyo na ibida ito sa oras ng panayam. 

Para naman sa mag fresh graduate o mga wala pang karanasan sa trabaho, payo nina Burong at Kevin na gamitin ang ibang karanasan sa buhay at ikonekta ito mga skills na kailangan sa posisyon na nais pasukin. 

Be quick-witted

Importante rin anilang magkaroon ng talas ng pag-iisip sa tuwing haharap sa panayam. Pagbabahagi ni Burong, kadalasan sa mga job interview ay may tinatanong na “out of the box” questions na wala namang kinalaman sa trabaho. 

Isang halimbawa aniya dyan ay ang tanong na: “If you will have a superpower, what would it be and why?”

Paliwanag ni Burong: “It is not a trick question but a question kung saan tinitignan ng interviewer kung paano ka mag-isip and how can you articulate things.” 

Payo ng 29-anyos na vlogger, paghandaan ang ganitong klaseng mga tanong sa pamamagitan ng 

pag-eensayo sa pagsagot ng ilang random questions bago sumabak sa interview. 

Dagdag pa nito, i-practice ang tinatawag na STAR (Situation, Task, Action, and Result) Approach sa pagsagot ng ganitong klaseng mga tanong. 

Be Certain

Payo nina Burong at Kevin na hanggat maari maging matapat sa inyong mga isasagot sa job interview dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ikalawang pagkakataon para sumabak sa interview. 

Dagdag pa ni Kevin, kung hindi alam ang sagot sa tanong ay mas mabuting umamin na hindi alam ang isasagot kaysa mag-imbento. Pero aniya, sabihin na bagamat hindi mo alam ang sagot ay bukas ka naman para matutunan ang mga bagay na kailangan sa trabaho. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

3 hours ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

3 hours ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

4 days ago

Top 5 VIYLine Cosmetics Lip Slay Summer-Ready Shades That You Should Try

The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…

4 days ago

Team Payaman’s Alona Viela Takes Over TikTok With Her Iconic Dance Moves

Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…

4 days ago

8 Years in The Making: Rana Harake Now Engaged to Antonio Enriquez

Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…

4 days ago

This website uses cookies.