Cong TV Bids Goodbye to Team Payaman Member Leaving ‘Payamansion’

Isang miyembro ng Team Payaman ang nagpaalam sa grupo at kailangan umalis sa tinaguriang “Payamansion” kamakailan lang. 

Sa latest vlog ni legendary YouTube content creator Cong TV, ibinahagi nito ang mga huling kaganapan kasama ang pinsan at dating personal secretary nyang si Marvin Velasquez II, o mas kilala sa tawag na Da Two. 

Da Two ng Team Payaman

Taong 2020 ng napasama sa Team Payaman si Da Two at nanirahan sa Payamansion kasama ang buong grupo. Bukod sa pagiging pinsan ng magkakapatid na Cong TV, Junnie Boy, Venice Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar, nagsilbi ring personal secretary ng 30-anyos vlogger si Da Two. 

Dahil madalas mapasama sa mga vlogs ni Cong TV, nakilala rin ng publiko si Da Two sa kanyang mga iconic na hirit na naging tatak nya sa Team Payaman. 

Sa sipag ni Da Two ay umabot sa puntong binigyan pa ito ng kanyang “Kuya Cocon” ng sasakyan para magamit sa kanyang trabaho bilang personal secretary. 

Hindi nagtagal ay naging ganap na vlogger na rin si Da Two at gumawa ng sarili nyang YouTube channel na ngayon ay mayroon ng higit 849,000 subscribers. 

Sa bagong vlog na pinamagatang “Paalang,” inabutan ni Cong TV na papaalis na ng Payamansion ang binansagang “Moy Toy” ng tropa. Ayon kay Da Two, kailangan niyang umalis ng Payamansion dahil babalik na ito sa pag-aaral.

Pero bago tuluyuang paalisin ay nagkabiruan pa ang mag-pinsan kaugnay sa kotseng ibinigay ni Cong kay Da Two. 

Salamat, Da Two!

Hindi naman napigilan ni Da Two na maging emosyonal bago umalis at nagpasalamat sa lahat ng naitulong sa kanya ni Cong TV. 

“Love you, Kuya Con! Maraming salamat sa lahat,” emosyonal na sabi ni Da Two. 

“Naalala ko kasi lahat, noong walang-wala ako, dahil sayo nasusuntentuhan ko yung pamilya ko at sarili ko. I’m grateful, pinagdadasal kita lagi, kuya!” dagdag pa nito. 

Sa huli, pinaalala ni Cong TV sa kanyang higit 10.5 million YouTube subscribers na parte ng buhay ang pagdating at pag-alis ng tao sa ating buhay.

“Kaya bago ka umalis (Da Two) ay gusto lang namin sabihin na maraming salamat sa sayang naidulot mo sa amin. We may forget why we laugh, but we will never forget how you made us feel in those moments.” 

“Katulad ng amoy ng iyong paa ay habang buhay na nakatatak ang mga ito sa aming puso at isipan. Mahal ka namin, Da Two! See you soon! Nagmamahal, Kuya Con.”

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.