Team Payaman’s Tita Krissy Achino Sells Pre-Loved Items Thru ‘Online CELYng’ Business

Bukod sa vlogging, hosting, at acting, pinasok na rin ng Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu online selling kamakailan lang.

For the decluttering ferson ang peg ng Team Payaman member na kilala rin sa kanyang karakter bikang Aling Cely. Kaya naman naisipan nitong ibenta ang kanyang “used but not abused” sa pamamagitan ng live selling sa kanyang official Facebook page at YouTube channel. 

Ang tanong, nakabenta naman kaya si Aling Cely sa kanyang “Online Cely’ng?”

​​

Online CELYng ni Aling Cely

Lunes, Aug. 22 nang mag-live sa Facebook at YouTube ang karakter ni Chino Liu na si Aling Cely. Ito na ang ikalawang taon na sumabak ang Team Payaman vlogger sa nasabing negosyo.  

Pre=loved designer bags, perfumes, sapatos, dainty jewelries, at marami pang iba ang handog ng kilalang Kris Aquino impersonator sa kanyang mga suki.

Pero teka, alam na namin ang iniisip mo kapitbahay! Dahil mahal na mahal ni Aling Cely ang kanyang mga suki, fashionable pero budget-friendly pa rin ang binenta nito.

Ang nasabing live selling ay inabot ng mahigit dalawang oras at umani ng mahigit sa one thousand likes at higit sa isang libong komento mula sa mga netizen.

Supportive Wild Cats

At syempre, hindi pinalampas ng ilan sa Team Payaman girls na suportahan si Aling Cely sa kanyang bagong business venture. 

Present sa nasabing live stream ang mga kapwa Team Payaman Wild Cats nitong sina Pat Velasquez-Gaspar, Vien Iligan-Velasquez, Tin Piamonte, at Viy Cortez.

Hindi nagpahuli ang magkakaibigan na gawing kwela ang kanilang pag-suporta sa kaibigang negosyante.

Vien Iligan Velasquez: “Bakit parang humihingi ka ng tawad?”

Tin Piamonte: “Bakit mo binebenta yung bigay namin sa’yo?”

Viy Cortez: “Bakit mo binebenta yung shoes na bigay ko sa’yo?”

Ang mga nasabing komento ay kinagiliwan din ng netizens na wala ring ginawa kundi biruin si Chino Liu. 

Kung hanap niyo ay designer at branded items sa murang halaga, abangan pa ang mga susunod na Online CELYng session ni Aling Cely. Huwag kalimutang i-follow ang official Facebook Page ni Tita Krissy para maging updated sa kanyang next live session.

Likes:
0 0
Views:
295
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *