Viy Cortez Lets Cong TV Taste Her Breast Milk Guised as Tea Talk’s Boba Milk Tea

Muli na namang nahulog sa patibong ni Viy Cortez ang longtime boyfriend at kapwa vlogger nitong si Cong TV. Ito ay matapos muling ma-prank ang legendary YouTube content creator at walang kalaban-laban na natikman ang breastmilk na para sana kay Baby Kidlat. 

Sa kanyang “Breastmilk Prank” vlog, ibinahagi ng 26-anyos first-time mom kung paano niya muling na-prank si Cong TV na minsan ng binansagan ang kanyang sarili na “Greatest Prankster” at “The Unprankable Vlogger” dahil hinding-hindi raw ito kayang i-prank ng kanyang mga kasama sa Team Payaman. 

Pero maka ilang ulit ng nabiktima ni Viviys si Cong simula ng mabuntis ito sa kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Quick prank plan

“Today is another prank day!” panimula ni Viy. 

“Walang makakatinag sa isang Viy Cortez sa pangpa-prank!” dagdag pa nito. 

Bago simulan ang kalokohan ay pinakita muna ni Viy ang kanyang natutulog na unico hijo. Paliwanag ni Viviys, tulog na si Kidlat kaya pwede na siyang gumawa ng kalokohan at syempre ang napili nyang biktima ay walang iba kundi ang 30-anyos na ama ni Baby Kidlat.

“Galing ‘to (gatas) mismo sa’kin, so ipapatikim ko ‘to kay Cong TV kasi hindi pa nya natitikman ang katas ng isang Viy Cortez,” biro pa nito.

Dali-daling inihanda ni Mommy Viy ang kanyang magiging katuwang sa prank sa tulong ng Tea Talk Franchised by Viy Cortez

Kumuha pa ng milk tea cup na may kasama Tapioca Pearls si Viy at doon hinalo ang kanyang freshly pumped breastmilk. Para mas kapanipaniwala na Boba Milk Tea ang ipapainom kay Cong, nilagyan pa ni Viy ng yelo ang nasabing cup. 

“Lasang Boba Milk Tea!”

Agad pinuntahan ni Viviys si Cong na sya namang naglilibang gamit ang kanyang gitara. Nagpanggap itong nagrerecord ng back-to-school promo para sa Tea Talk. 

Pinatikim ni Viy kay Cong ang kunwaring bagong milk tea flavor na sya naman ininom agad ng tatay ni Kidlat. 

Pero tila hindi maipinta ang mukha ni Cong habang ninanamnam ang inumin na animoy may kakaiba aniyang lasa. 

“Gatas ba ni Kidlat yan?” nagtatakang tanong ng Bossing ng Team Payaman. 

Panoorin ang kabuuan ng nasabing prank vlog:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.