From YouTube screen to big screen! ‘Yan ang peg ngayon ni Team Payaman member Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, dahil bibida lang naman ito sa isang horror movie na pinamagatang “Kuta.”
Kasama ni Chino sa nasabing pelikula ang ilan sa mga kapwa niya vlogger at influencer, gaya nina Jelai Andres, Buboy Villar, Nico Locco, Yakki, at Eileen Gonzales.
Ang mala “Blair Witch Project” na pelikula sa direksyon ni Omar Deroca ay mapapanood sa online streaming platform na KTX sa darating na Lunes, Aug. 22, 2022.
Sa isang eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG), sinabi ni Tita Krissy Achino na kinunan ang nasabing pelikula sa tinaguriang “healing mountain” na Mt. Banahaw. Katabi ito ng Mt. Cristobal na binansagan namang “devil’s mountain” at halos sampung taon ng sarado sa publiko.
Ang “Kuta” ay tungkol sa “adventure gone wrong” ng ilang influencers na bumisita sa isang resort upang mag-vlog at i-promote ang lugar. Lingid sa kanilang kaalaman ay isa pala itong haunted resort na puno ng misteryo at iba pang elemento.
Bagamat hindi na bago si Chino paggawa ng pelikula at pagharap sa camera dahil sa kanyang mga TV guestings, ito naman aniya ang unang pagkakataon na isa siya sa mga bida.
“Eto yung Krissy na palaban, matapang na Krissy. At the same time (makikita niyo) ano bang gagawin ng isang Krissy pag nasa bingit siya ng ganitong klaseng sitwasyon.”
At dahil horror ang tema ng pelikula, hindi rin maiiwasang makaramdam sina Tita Krissy ng kababalaghan habang ginagawa ito, lalo na ang mga eksena sa gitna ng gubat.
“May one time na quiet kami lahat sa set, especially kapag rolling. Tapos yung director namin nagsabi na ‘Quiet! ‘Wag naman maingay!’”
“Pero wala naman kasing nag-iingay, kasi parang may mga nagtatawanan daw. So I don’t know kung saan nila na-pickup yung ganung klaseng sounds, medyo scary talaga!”
Inamin ni Chino sa VMG na simula pagkabata ay pangarap na talaga niyang mag-artista. Katunayan, noong kolehiyo ay nag-enroll siya ng kursong Mass Communication para tiyak na malapit sa mga artista ang magiging trabaho niya.
“Natutuwa ako kasi this is really my craft, this is really my passion,” ani Chino.
“Itong pag-arte, this is what I want and what I love. Natutuwa ako na tuloy-tuloy,” dagdag pa nito.
Bagamat walang balak bitawan ni Chino ang vlogging, looking forward naman aniya ito sa iba pang role na maaaring ibigay sa kanya sa pelikula.
“I want to do more films and kung papipiliin ako kung anong genre for my next movie, gusto ko talaga comedy. I like the Vice Ganda way.”
“Pero ang crazy dream ko kasi is to star in either an action or drama (movie). Gusto ko yung umiiyak-iyak ako, mala KathNiel levels.”
Samantala, tinanong din ng VMG na kung sakaling isapelikula ang istorya ng kanyang buhay, sinong artista ang nais niyang gumanap bilang Chino Liu. Bukod aniya sa kanyang sarili, gusto niya ang batikang komedyante at aktor na si Michael V. ang umarte bilang Chino.
“It would be an honor kung tatanggapin nya nung ganung project, na isa-pelikula ang buhay ko. Hindi naman siya beky, but I know with my path na very versatile, I know that Michael V. could portray that very-very well.”
Bitin sa chikahan? Panoorin ang ilang patikim sa pelikulang “Kuta” sa latest vlog na ito ni Chino Liu.
Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin…
Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng…
Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…
Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…
Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…
Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…
This website uses cookies.