Team Payaman Boys Talks About ‘Ghosting’ During Payaman Insider’s First Video Podcast Episode

Isa na namang makabuluhan at kwelang kwentuhan ang hatid ng Team Payaman boys sa pinakabagong episode ng Payaman Insider podcast sa Spotify. 

But wait, there’s more! Inanunsyo nina Junnie Boy, Boss Keng, at Burong na may kakaiba sa kanilang bagong episode dahil ito ang  kauna-unahang video-podcast episode para sa Payaman Insider. 

Tara, samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang bagong pasabog ng TP Wild Dogs!

Payaman Insider Video Podcast

Pasabog ang hatid ng bagong episode ng Payaman Insider dahil literal na virtual kwentuhan ang TP Wild Dogs sa kanilang first ever video podcast.

Bukod sa bagong istilo ng kwentuhan, sinurpresa rin ni Michael Magnata, a.k.a Mentos ang avid listeners ng podcast sa kanyang guesting.

Sa nasabing episode, excited sina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at Mentos sa baon nilang kwentuhan tungkol sa nauusong “ghosting” sa mga relasyon. 

Usapang Ghosting

Malayo pa ang Halloween pero Usapang Ghosting ang paksa ng Team Payaman boys dahil ang buwan ng Agosto anila ay tinaguriang ghost month. 

Pero syempre, hindi lang basta multo at katatakutan ang sentro ng kwentuhan dahil “ghosting” o pang-iiwan sa isang relasyon ang hugot ng TP Wild Dogs for today’s video!

Sinimulan ni Aaron Macacua, a.k.a Burong ang kwentuhan sa tanong kung naniniwala ba ang Wild Dogs sa tradisyong hatid ng ghost month.

Napagtanto nina Junnie Boy na hindi nila namalayan ang nasabing paniniwala kung kaya’t hindi nila napigilang mag-invest o magtayo ng mga negosyo ngayong buwan. 

Samantala, proud na ibinahagi ni Boss Keng na wala siyang naranasang ghosting pagdating sa relasyon. 

Kwento naman ni Junnie Boy: “Ako, na-ghost na ako. Mayroon ako isang babaeng pinormahan. Pagkalipas ng isang araw, chinachat ko siya. Ilang linggo ang dumaan, napunta ulit ako sa message request niya. 2 weeks akong di kinakausap, nag-sorry na ako.” 

“It’s either ghinost ko or ghinost ako” pahayag ni Mentos. 

“Sakin naman nung una, okay naman tapos nagcha-chat kami nung una tapos nag-uusap kami tungkol sa buhay. Dumating sa part na parang may nakita kang off sa kanya, nalaman ko na dalawa pala kaming kinakausap niya. So ang feeling ko ‘don, parang option lang ako [kaya ghinost ko]” dagdag nito.

Tinapos ng Wild Dogs ang kanilang usapang ghosting sa pagbabahagi ng kani-kanilang payo:

“Kung nanggo-ghost ka, okay lang when you have your reason. Pero para sa taong sinayang mo yung oras, bigyan mo sya ng explanation kung bakit [mo sya ghinost],” ani Junnie Boy na siya namang sinang-ayunan ni Boss Keng.

“Lagi mong tatandaan na laging may mas better na ibibigay sayo si Lord,” dagdag ni Boss Keng.

Makisali sa virtual Usapang Ghosting sa Payaman Insider’s official Spotify episode: 

Yenny Certeza

Recent Posts

YNO Serenades Fans on Wish 107.5 Bus with Their Latest Single

Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat  ng kanta…

11 minutes ago

Clouie Dims Explore Vietnam’s Must-Try Foods with Team Payaman Girls

Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…

2 days ago

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

3 days ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

5 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

6 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

7 days ago

This website uses cookies.