Ginulat at pinaiyak ng Team Payaman ang kanilang mga supporters matapos ilabas ang unreleased song ng yumaong kaibigan at kapwa vlogger na si Emman Nimedez.
Nitong Martes, Aug 16, 2022 ang ikalawang death anniversary ni Emman na pumanaw dahil sa sakit na leukemia noong 2020.
Bilang pag-alala sa legendary YouTube vlogger, naglabas ang pamilya at mga kaibigan nito ng music video ng isa sa mga kantang hindi na nagawang isapubliko ni Emman noong nabubuhay pa ito.
Ilan sa mga naunang kanta ni Emman ay ang “Teka Lang” at “Kung Pwede Lang.“
Mapapanood ang music video ng bagong kanta sa YouTube channel mismo ni Emman Nimedez na ngayon ay mayroon pa ring higit 2.78 million subscribers.
Tara, samahan niyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at alamin ang kwento sa likod ng kantang iniwan ni Emman para sa ating lahat.
Ayon kay Team Payaman member at COLN vocalist Awi Columna, naisulat ni Emman ang kantang “Simula” bago pa ito pumanaw, ngunit hindi naisapubliko.
Ang nasabing kanta ay tungkol sa isang taong lugmok sa kalungkutan at humihiling na sana ay bumalik lahat sa simula.
Kwento ni Awi, taong 2020 nang ibigay sa kanya ng ama ni Emman na si Daddy Louie Nimedez ang voice recording ni Emman na kinakanta ang ilang parte ng sinulat na kanta.
Agad aniya niyang tinawagan ang ilang kaibigan nila ni Emman sa industriya at naisipang buuin ang kanta bilang pag-alala sa tinaguriang “Pambansang Oppa” ng Pilipinas.
Tinapos ni Awi ang mga letra ng “Simula” sa tulong nina Kiyo at Alisson Shore na siyang naglapat ng musika sa nasabing kanta.
Pero kwento ng resident rock star ng Team Payaman, hindi naging madali ang pagbuo ng kanta.
“Talagang iningatan namin yung mga lyrics at tunog na ilalagay namin. Inisip din namin kung okay ba ‘to, gusto ba ‘to ni Emman talaga,” kwento ni Awi sa VMG.
“Sobrang iningatan namin dahil alam naming sobrang special din talaga para kay Emman ‘to, kasi eto na yung last song niya eh!” dagdag pa nito.
Inabot ng higit dalawang taon bago naisakatuparan ng grupo ang paglabas sa kanta ni Emman. Bukod sa kanilang busy schedule, kailangan din nilang humanap ng budget para mapaganda ang music video.
Ayon naman sa direktor ng nakakaantig na music video na si Titus Cee, ilang beses niyang napanaginipan si Emman. Kaya naman ang konsepto ng music video ay hango sa mga nakita niya sa panaginip na nagmistulang art direction mula kay Emman na dati ring gumagawa ng mga short films at music video.
Bida sa nasabing music video ang mga magulang at kapatid ni Emman, ang dati nitong nobya na si Peachy Santos at ilang miyembro ng Team Payaman.
Dagdag pa ni Awi: “Sobrang saya sa pakiramdam kasi parang naging grand reunion (yung music video), kasi nandyan yung Team Payaman North, nandyan yung Team Payaman South, nandyan din yung mga artist na naging tropa ni Emman. Parang ginather kami ni Emman noong araw na yon habang shinu-shoot yung music video.”
“Congratulations, Emman! Legendary ka talaga! Hanggang sa huli kahit wala ka na dito sa mundo ay nakapag iwan ka parin ng mensahe at kanta para sa lahat.”
Watch the full music video below:
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
This website uses cookies.
View Comments
we miss you so much Emman Nimedez, I hope someday meron isang tao na magpapatuloy lahat ng nasimulan mo dito sa mundong ito, we love you forever more Emman. 🙂💜
di ko akalain na may luhang babagsak sa aking mga mata
WALANG MAKAKALIMOT SAYO PAMBANSANG OPPA NG PILIPINAS. WE LOVE YOU EMMAN.♥️
Sobrang lungkot, but I know kasama mo na si Lord . We miss you a lot emman. 😭
we miss you emman pambansang oppa ng pilipinas
WE WILL MISS YOU KUYA EMMAN