Viy Cortez Pranks Cong TV with Baby Kidlat’s Surname

Muling nagbabalik sa mga kwelang prank ang YouTube content creator na si Viy Cortez, at syempre sino pa ba ang kanyang paboritong biktima, walang iba kundi ang kaniyang longtime boyfriend na si Cong TV

Ano kaya ang naging reaksyon ng legendary YouTube icon inihandang birth certificate prank ni Viviys? 

Sagot na ng VIYLine Media Group (VMG) ang chikahan sa top-trending prank ni Mommy Viy!

Zeus Emmanuel “Tumbaga-Cortez”

Noon pa man ay katuwaan na nina Cong at Viy na mag-asaran sa magiging apelyido ni Baby Kidlat.

Madalas asarin ng VIYLine CEO ang 30-anyos nitong nobyo na hindi niya isusunod kay Cong ang magiging apelyido ng panganay na si Baby Kidlat.

Sa kaniyang latest vlog, muli na namang na-prank ni Viviys si Cong gamit ang isang pekeng birth certificate. Sa pekeng kopya, sinadya ng 26-anyos first-time mom na hindi ilagay ang apelyido ni Cong sa tunay pangalan ni Baby Kidlat.

Sa halip na “Velasquez” ay “Cortez” ang apelyidong nilagay ni Viy sa edited birth certificate ni Baby Kidlat nang sa gayon ay makita ang magiging reaksyon ni Daddy Cong.

“Nakita ko na ‘yan eh! Ako nag-pirma niyan eh!” kumpiyansa ang sagot ni Cong TV na siyang ikinagulat ni Viviys.

Bago pa man mapansin ni Daddy Cong ang edited na pangalan ni Kidlat ay nilaktawan niya muna ito at nag-focus sa iba pang mga detalye gaya ng kaarawan at lugar ng kapanganakan.

Hindi nag-atubiling pinansin ni Mommy Viy ang apelyido ni Kidlat sa pekeng birth certificate upang makita na ito ni Daddy Cong. 

“Ay yung middle name nya, Tumbaga oh!” pang best actress na acting ni Viy. 

“Oo nga no, walang Velasquez. Ba’t walang Velasquez? Hala!” gulat na gulat na sabi ni Cong.

Dagdag pa nito: “Hala Cortez ang apelyido nya! Deserve ko ba ‘to kasi hindi ako nag propose?”

Agad din namang nahuli ng tinaguriang “Greatest Prankster” ang patibong ng kanyang nobya dahil nadulas ito at nasabing ito ay prank.

Netizens’ Reactions

At syempre, marami ang na-aliw sa prank comeback ng nag-iisang Viy Cortez kung kaya’t inulan ang vlog nito ng samu’t-saring reaksyon mula sa kanyang mga supporters.

Ernah Mae Revadulla: “Sobrang lucky ni Kidlat na may magulang siyang maalaga at mapagmahal. We love you both of you Cong and Viy”

Nuñez, Darianne Jean: “Laughtrip HAHAHAHAHA! A parent’s love for their child is truly unconditional. Stay healthy Kidlat! You are so loved by many, lalo na ni Mama mo at ng kapitbahay niyo HAHAHAHAHA!”

Marian Paner: “Sobrang responsable nyong magulang lalo kana Viy tlagang inaalam mo lahat, naalala ko nung ganyan palang baby ko, pinaliliguan sya ng tap water nag amoeba sya, so ayun saka ko palang sya pinaligo ng mineral. Good job Mommy Viviys talagang anticipated nyo lahat.”

Basco, Danica Mae G.: “Iloveyou Cong and Viy!! And Kidlatttt napasaya nyo nanaman ako. Nung nakaraan nadaanan namin Viyline na office nyo malapit Southwoods Mall huhu nakita ko palang yun im so happy na. Hoping to see u three soon. Watching here always at Pampanga.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Spills Tea in Michelle Dy’s Latest Makeup Vlog

Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…

7 minutes ago

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

4 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

5 days ago

This website uses cookies.