Back to work na ang renowned YouTube content creator na si Cong TV matapos i-anunsyo ang bago nitong proyekto kasama ang Maya Philippines.
Sinama ni Cong sa taping ng nasabing endorsement ang Payamansion caretaker turned Team Payaman member na si Kuya Inday. Pero ang trip-trip na pagsama ni Kuya Inday ay tila nagbukas ng oportunidad sa kanyang bagong career.
Ano kaya ang exciting kaganapan sa likod ng successful advertisement shoot ni Cong TV? Sagot na ng VIYLine Media Group (VMG) ang chikahan for today’s video!
Ang Maya o mas kilala noon bilang Paymaya ay isang mobile application na ginagamit para sa online transactions gaya ng pagpapadala ng pera, pagbabayad ng bills, pagbili ng load, online shopping, at iba pa.
Kasabay ng pag-rebrand nito ay ang paglabas ng bagong advertisement kung saan bida ang ilang content creator sa bansa gaya ni Cong TV.
Sa kaniyang latest vlog, inanunsyo ng 30-anyos vlogger na isa siya sa mga bagong ambassadors ng Maya para sa kanilang bagong ad campaign.
Ang inspirasyon sa likod ng unang set-up ay ang kilalang “roll safe, guy-tapping-head” meme na siyang ginagamit ng mga social media savvy sa internet.
Para naman sa second layout, Leonardo diCaprio ang peg ng first-time dad, na siyang nagpapaliwanag ng kanyang hairdo sa kanyang Ankel vlog.
Pero hindi kumpleto ang kwento ni Cong TV kung walang kakaibang twist. Sinubukan ng kilalang vlogger na ibida sa Maya ang kakayahan ni Kuya Inday na maging endorser.
Ayon kay Cong, tila mas papatok ang nasabing commercial kung si Kuya Inday ang gaganap sa kanyang “meme” role.
“Dapat talaga si Kuya Inday ‘to eh. Gagawan ko ng paraan, ita-try ko [ipasok sa ad si Kuya Inday]” ani Cong TV.
Agad itong nakiusap sa mga staff ng Maya upang maipasok sa ad campaign si Kuya Inday.
“Pwede po ba pa-aprubahan kay client na si Kuya Inday po sana ang kunin [na model]?” pakikiusap ni Cong TV.
Agad din namang napagbigyan ang Cong-Inday tadem kaya naman isinabak agad ito sa spotlight.
Matapos ang apat na buwan, nilabas na ang bagong ad campaign ng Maya sa kanilang social media accounts, ngunit wala si Kuya Inday.
Inulan naman ng komento ang nasabing social media post ng mga netizen na nagnanais makita ang cameo ni Kuya Inday gamit ang #ReleaseTheIndayCut.
Jimmy Boy Fernandez: “We want Inday!”
Allain Jordan Malilay Cuare: “Labas niyo si Kuya Inday!!!”
Christian Kyle Lacanilao: “Approve niyo yung kay Kuya Indayyyy!!!”
Pi Pop, Julius Cesar Baldorado: “Release the Inday cut!”
Ram Cacas: “Kuya Inday for Paymaya!!!!”
Watch the full vlog below:
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.