Vien Pregnancy Update: Vien of Team Payaman Shows Off 19-Weeks Baby Bump

Proud na ibinalandra ni Vien Iligan-Velasquez ng Team Payaman ang kaniyang 19-weeks baby bump laman ang kanilang second baby ni Junnie Boy. 

Matatandaang ilang linggo na ang nakalipas matapos huling pinasilip ni Vien ang kaniyang pregnancy journey dahil na rin sa pagiging busy bilang full-time mom sa kanilang panganay na si Mavi. 

Kamusta naman kaya ang ang soon-to-be-mom of two sa kanyang pagbubuntis? Hatid na ng VIYLine Media Group (VMG) ang latest update sa pagbubuntis ni Vien ng Team Payaman.

Baby Viela at 19 Weeks

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng 25-year-old vlogger ang ilang kaganapan sa kaniyang buhay bilang full-time at hands-on mom kay Mavi. Ayon kay Mommy Vien, madalang siyang mag vlog nitong mga nakaraang araw dahil sa pag-uwi ng kanyang katuwang sa pag-alaga sa probinsya.

Alive and kicking ang peg ng preggy momma sa kabila ng pagiging busy dahil tinutulungan naman aniya siya ng kanyang hubby na si Junnie sa pagpapaligo at pagpapatulog kay Mavi.

“Ito ang maganda kay Jun. Kapag 11 or 12 [am] na, umaakyat sya ng kwarto para asikasuhin si Mavi. Yun ang duty ng asawa ko,” pagmamalaki ni Vien.

Excited namang ipinakita ni Mommy Vien ang kanyang 19-week baby bump sa nasabing vlog.

“Ito na ang aking tummy. At ayan oh, lumuluwa na yung pusod ko. So sa awa ng Diyos guys, wala naman akong mga kamot-kamot,” pagbabahagi ni Vien. 

Kwento ni Vien, priority niya ngayon ang i-spoil ang sarili ng mga maternity essentials na makakatulong sa kanyang pagbubuntis gaya ng maternity bra at leggings.

Nag-pasalamat rin si Mommy Vien sa mga nagpadala ng mga regalo para sakanyang unica hija na si Viela.

Pregnancy Blues

“Kay Mavi nagsusuka ako, nagpapantal, pero dito kay Viela, hindi po ako maselan. So lahat ng ulam na gusto ko, nakakain ko. Pero guys, dito sa aking second child, nagkaroon ako ng Hypothyroidism,” kwento ni Mommy Vien. 

Ayon sa Cleveland Clinic, ang hypothyroidism ay isang kondisyon na kung saan hindi sapat ang lumalabas na thryroid hormone sa bloodstream ng isang nagdadalang-tao.

Samantala, nagbabahagi rin ng kanyang mga karanasan at pangamba ang TP Wildcat na si Vien sa kaniyang Twitter account.

“Ang likot ng bebe [Viela] paano ako makakasleep?”

“Malikot na si viela sa tummy ko!”

“​​Madalas na aanxia (anxiety) ako sa mga napapanuod ko TikTok at nababasa social media. Lalo na kapag may sakit yung baby or nawawala si baby habang pinagbubuntis” 

Watch Vien’s pregnancy update vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Pops Up at SM City Cabanatuan with Local Entrepreneurs

In its mission to support and celebrate local businesses, the Viyline MSME Caravan, in partnership…

22 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Shares a Heartfelt Take on Unexpected Friendships

Sa ika-apat na episode ng kanyang YouTube vlog series na “Kumusta,” ibinahagi ng Team Payaman…

22 hours ago

Junnie Boy Gets Hooked on Pickleball with Team Payaman

Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga…

2 days ago

The Third Wave of the Team Payaman Cap Is Coming to Life, Cong Clothing Confirms

It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…

4 days ago

Get First Dibs on Cong Clothing’s Limited Edition ‘Aura Revival Collection’

A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…

4 days ago

Sizzling-Hot IG Poses We’re Loving from TP’s Recent Visayas Trip

Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa…

4 days ago

This website uses cookies.