Yiv Cortez Shares Her Day as VIYLine Employee

Matapos ang matagumpay na VIYDay Sale noong July 23, mahigit 35,000 parcels ang kailangang balutin ng VIYLine employees upang maipadala na ang orders at pa-premyong hatid ni Viy Cortez. 

Base sa mga social media posts ng  VIYLine CEO, hindi magkamayaw ang VIYLine employees sa pagbabalot ng mga orders mula sa Shopee, Lazada, at TikTok shop.

Dahil dito, nakisali na rin sa pagbabalot ng orders ang pamilya ni Viviys, partikular na ang kaniyang mga kapatid na sina Ate Ivy at Yiv Cortez. 

Ano naman kaya ang naging karanasan ng pinakabago at pinakabatang empleyado ng VIYLine Group of Companies? Alamin kasama ang VIYLine Media Group (VMG) ang latest ganap sa “employee for a day” ng VIYLine. 

Yiv’s On-the-Go Routine

Bago pa man sumabak sa buong araw na pagbabalot ng orders, ibinahagi muna ng bunsong kapatid ni Viy Cortez ang kanyang on-the-go routine.

Sinimulan ni Yiv ang kaniyang 3-step routine gamit ang ilan sa mga best-selling products ng VIYLine Skincare at VIYLine Cosmetics.

“Una kong inilalagay sa aking face ay ang day cream ng TEENS [by VIYLine Skincare]” ani Yiv.

Gamit rin ng 18-year-old vlogger ang TikTok famous na Fairy Skin Sunscreen by VIYLine na mayroong SPF 50+++ para maprotektahan ang balat sa araw. 

Hindi naman pinalampas ni Yiv Cortez ang pagkakaroon ng on fleek eyebrows gamit ang Eyebrow Styling Soap ng Angel by VIYLine Cosmetics.

At syempre, kinumpleto ng dalaga ang kanyang on-the-go makeup look gamit ang pinaka-bagong Baby Kidlat Lip Potion ng VIYLine Cosmetics 

VIYLine’s Newest Employee

“Kakatapos lang ng birthday sale ni Ate Viy, tutulong ako mag-pack doon sa office” panimula ni Yiv sa kanyang “a day in my life” vlog

Hands-on naman sa pagtuturo at pag-manage si Ate Ivy ng Raco Squad sa mga babaluting parcels nina Yiv at ng kanilang Tita.

Bago magsisimula ang packing session ay kumain muna ang Team Cortez ng pagkain na inihanda ng kanilang hands-on Mama Imelda. 

Matapos ang ilang kahon ng orders, nakaramdam na ng pagod si Yiv. Dito na-realize ng dalaga kung gaano kahirap ang trabaho ng mga empleyado ng VIYLine.

Ang hirap pala ng ganitong trabaho, sakripisyo lang talaga. Nakakapagod pala mag-pack! Saludo po ako sa lahat ng ganito yung work!” ani Yiv. 

“Okay lang. Ito lang naman ang maitutulong namin kay Ate [Viy] eh, ang mag-pack [ng parcel]” dagdag pa nito

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Mom Guilt: Pat Gaspar Gets Emotional Leaving Baby Isla for a Trip to Thailand

Kamakailan lang ay lumipad patungong Thailand ang Team Payaman girls para sa surprise bridal shower…

2 hours ago

City of Life Awards Names Viy Cortez as Entrepreneur of the Year in Biñan City

The City of Life Awards of the City Government of Biñan, Laguna named VIYLine OPC…

2 hours ago

Pat Gaspar Defends Boss Keng from Netizen Who Called Him ‘Materialistic’

Matapos ipasilip ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang surpresa nito para sa…

3 hours ago

Baao Children and Youth Choir Bags Another Win in Spain Chorale Fest

The Bicolano pride, Baao Children and Youth Choir is back in the Philippines after winning…

1 day ago

Here’s What Went Down During Team Velasquez’s Mother’s Day Celebration

Pagkabalik mula sa Thailand para sa surprise bridal shower kay Viy Cortez, nagsama-sama ang Pamilya…

1 day ago

Boss Toyo’s Partner Shares Successful IVF Journey: It’s a Baby Boy!

“Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at…

3 days ago

This website uses cookies.