CongPound: Pat Velasquez-Gaspar Gives Virtual Tour at Team Payaman’s Future Home

Matapos ang birthday celebrations, isa na namang panibagong ganap ang ating aabangan kasama ang Team Payaman, ito ay ang pagpapatayo at paglipat nila sa tinaguriang “Congpound.”

Hatid ni Pat Velasquez-Gaspar ang virtual a tour kasama ang lupain ng Team Payaman kung saan itatayo ang dream home nina Cong TV at Viy Cortez, Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, Pat at Boss Keng, at Yow Andrada at Venice Velasquez. 

Kaya’t tara na, buckle your seatbelts at samahan ang VIYLine Media Group (VMG) sa virtual adventure kasama ang ilan sa Team Payaman members!

Congpound Virtual Tour

Sa kaniyang latest vlog, ibinahagi na ng 25-anyos Wagyuniku BF Aguirre owner ang pasilip sa binasagan niyang “VelGaRa Congpound.” 

Nahulaan niyo ba mga kapitbahay? Tama! VelGaRa is short for: Velasquez-Gaspar-Andrada Compound dahil ito na ang soon-to-be-home ng Team Payaman power couples.

Dahil hindi pa nasisimulan ang construction ng mga bahay, certified tambayan muna ng Team Payaman ang naturang lupain kung saan perfect magpahangin at mag-picnic.

At syempre, hindi mawawala ang legendary kubo na nagsisilbing tambayan ng Team Payaman at maging nina Papa Shoutout at Mama Revlon.

Nagmala landscape architect si Pat Velasquez sa kanyang pagbabahagi ng posibleng magiging pwesto ng mga bahay ng VelGaRa couples.

“Ayan bahay ni Cong TV. Yung amin, dun sa dulo! Girl! Dun kami bubuo ng pamilya. At dun naman sa kabila, ay sila Junnie Boy.  At dito naman ay sila Yow,” dagdag pa ni Mrs. Gaspar.  

Ibinahagi rin nito na magkakaroon ng sariling playhouse ang Congpound at sariling tirahan ang Team Payaman crews, editors, helpers, at mga kaibigan.

Congpound Adventure

Sa nasabing vlog, nagsama-sama rin ang buong Team Payaman upang tumambay, mag-ihaw, at magsalo-salo sa pagkain.

Game na game rin nakipaglaro si Tita Pat at Tita Venice sa kanilang pamangkin na si Mavi sa kanilang quick escape from the city.

Matapos magpapawis, all-out na ang paghahanda ng grupo para sa kanilang masarap na pagsasalo na lalong pinasarap ng legendary inihaw, itlog na maalat, at dahon ng saging.

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
554
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *