Kevin Hermosada Bids Goodbye as Team Payaman Video Editor

Isang emosyonal na vlog ang nilabas kamakailan ni Team Payaman member Kevin Hermosada matapos ianunsyo ang pagbibitiw niya bilang video editor ni Yow Andrada. 

Ayon kay Kevin, hindi naging madali ang kanyang desisyon ngunit kailangan bitiwan ang nasabing trabaho upang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan. 

How it started

Sinimulan ni Kevin ang kanyang latest vlog sa pagbabalik tanaw kung paano siya nangarap maging parte ng sikat na grupo ng vloggers na Team Payaman. 

April 2018 noon nang unang mapanood ni Kevin Hermosada si Yow sa mga vlogs ni Cong TV. Kagaya ng maraming fans ng Team Payaman, isa rin siya sa napahalakhak ng mga hirit at karakter noon ni Yow.

Doon na rin nagsimula ang kagustuhan niyang sundin ang pangarap na maging videographer. Bilang hakbang sa pagtupad ng kanyang pangarap, isa-isa niyang pinadalhan ng mensahe ang bawat miyembro ng Team Payaman gaya nina Cong TV, Junnie Boy, Roger Raker, at Emman Nimedez. 

Bagamat hindi nagtagumpay sa kanyang unang tangka, hindi sumuko si Kevin hanggang sa nakilala niya ng personal si Yow Andrada sa pamamagitan ni YouTube content creator, Mayor TV

Hindi nagtagal ay naging opisyal na siyang videographer, editor, photographer at director, hindi lang ni Yow, kundi maging ng buong Team Payaman. Napasama rin si Kevin sa grupo nang nanirahan ito sa tinaguriang “Payamansion 1.”

How it’s going

Sa loob ng higit dalawang taon, pinagsabay ni Kevin Hermosada ang pagiging videographer, editor, vlogger at bokalista ng bandang “Libre.”

Nakakalungkot man, pero kinakailangang bitiwan ni Kevin ang kanyang trabaho bilang editor upang tutukan ang kanyang kalusugan. 

Paliwanag ni Kevin, mayroon siyang kondisyon na tinatawag na “fatty liver nonalcoholic.” Ayon sa isang episode ng Pinoy MD, ang nonalcoholic fatty liver disease ay madalas nagiging sanhi ng pagkain ng mamantika at matatabang pagkain. 

“Gusto ko pang mag-edit, gusto ko pang gumawa ng mga bagay na hindi ko kayang gawin at mag-explore pa,” ani Kevin.

“Kaso kailangan ko rin yung sarili ko, kailangan kong magbawi sa sarili ko. Kailangan nating alagaan kung ano yung na-me-maintain natin ngayon para makagawa pa tayo ng mga bagay na hindi pa natin nagagawa,” dagdag pa nito. 

New editor

Sa kanilang heart-to-heart talk, maluwag na tinanggap ni Yow ang pagbibitiw ni Kevin sa pwesto. Bagamat hindi na siya opisyal na editor ni Yow ay hindi naman pinalayas ng Team Payaman si Kevin sa Payamansion. 

Pero ang tanong ng lahat ngayon, sino na ang magiging bagong editor ng tinaguriang “Content Material” ng Team Payaman?

Pwes, pakatutukan ang editor reveal ni Yow Andrada sa kanyang YouTube channel at official Instagram account @yowandrada.

Watch Kevin Hermosada’s vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

20 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.