Team Payaman Wild Dogs, Muling Sumalang sa Family Feud Stage!

Sumabak sa matinding tanungan ang Team Payaman sa pagsali nila sa Kapuso game show na Family Feud sa GMA 7. 

Noong Martes, July 19, nakalaban Team Payaman boys sa nasabing game show ang mga kapwa content creators mula sa grupong “We the Future.”

Naiuwi kaya ng Team Payaman Wild Dogs ang tumataginting na cash prize? Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) dahil sagot na namin ang chika sa Family Feud experience ng Team Payaman!

Millionaire Mind

Present ang Team Payaman Wild Dogs na pinangunahan ng kapatid ni Cong TV na si Junnie Boy, kasama sina Steve Wijayawickrama, Yow Andrada, at Burong Macacua.

Source: Family Feud Facebook Page

Bago pa man magsimula ang laro, tinanong ng beterang aktor at host na si Dingdong Dantes kung saan ba nanggaling ang katagang “Wild Dogs”

“Kasi nung nag-pandemic, tapos nagluwag-luwag [ng protocols], nung nakalabas kami, para kaming mga asong baliw!” pabirong sagot ng soon-to-be-dad of two na si Junnie.

Hindi man pinalad sa first round, unti-unting bumawi ang Team Payaman Wild Dogs upang maiuwi ang cash prize na tumataginting na P200,000 in cash!

The Winning Moment

Sa ikalawang round, nakabawi ang Wild Dogs at nakakuha ng 82 points matapos ma-steal sa kalaban ang fill in the blank round. 

Tinapos naman nina Junnie, Steve, Yow, at Burong ang ika-apat round na may tanong na: “Kapag aalis ng bahay ang kanilang anak, ano ang madalas itanong ng parents?”

At para sa last and final round, nirepresenta nina Yow Andrada at Burong Macacaua ang Team Payaman Wild Dogs upang makamit ang 200 points.

Hindi man pinalad ang pambato ng Team Payaman, hindi pa rin sila umuwing luhaan at nag-uwi ng P100,000 na premyo na siyang ibabahagi nila sa  Ahavah Ministry Philippines

Watch the full episode here:
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/family_feud/162899/family-feud-philippines-july-19-2022-livestream/video?is_mobile=true&_s=0 

For more updates don’t forget to follow Yow, Junnie Boy, Steve, and Burong on Instagram!

Yenny Certeza

Recent Posts

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

16 hours ago

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

2 days ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

3 days ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

7 days ago

This website uses cookies.