Viy Cortez Pinasilip ang Nakakaantig na Kapanganakan ni Baby Kidlat

The long wait is finally over! Sa wakas ay ibinahagi na rin ni Viy Cortez at Cong TV ang memorable birth story ng kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Sa kanyang mala-documentary vlog na pinamagatang “Zeus”, pinasilip ng first time mom ang kanyang mga pinagdaanan bago tuluyang makita ang kanilang unico hijo.

Ipinanganak ni Viviys si Kidlat noong July 5, 2022 sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City. Nanatili muna ang dalawa sa bonggang Presidential Suite ng nasabing ospital habang hinihintay si Kidlat. 

The final waiting game

Habang papunta sa ospital, hindi maitago ang kaba at excitement na nararamdaman ni Viy Cortez dahil sa wakas ay makikita na nya si Kidlat.

“This is the moment I’ve been waiting for for 9 months! (Pero) hindi lang pala 9 months natin ‘tong hinintay,” sambit ng 25-anyos VIYLine CEO. 

Sagot naman ni Cong: “7 years!”

Pero agad naman itong binalikan ni Viy at sinabing imposibleng naghintay na agad ng anak si Cong noong una silang magkita sa 7-11.

“Ano, unang meet up ‘oh my God, waiting na ko sa baby,’ ganon?” biro ni Viy. 

“Noong nakita kasi kita, alam kong ikaw na!” sagot naman ni Cong. (Aww! Sana all!)

Panay naman ang dasal ni Viviys at hingi ng gabay at proteksyon mula sa Panginoon. Baon pa nito ang rosaryo na regalo sa kanya ng kapwa Team Payaman member at VIYLine Sales Manager na si Kha Kha Villes. 

Pinasilip din ni Mommy Viy ang tinuluyan nilang Presidential Suite na talaga namang napaka kumportable para sa bagong panganak. 

Moment of truth

Bandang alas onse ng umaga ay sumailalim si Viy sa Cesarean Section birth kung saan kasama nya si Cong sa delivery room upang masaksikan ang lahat.

Habang binibigyan ng anesthesia si Viviys ay hindi nito napigilan ang kaba at pinatawag si Cong upang hawakan ang kanyang kamay. 

Samantala, habang naghihintay sa kanyang pangay ay samu’t-saring realization naman ang napagtanto ni Daddy Cong. 

“Grabe yung hirap nila talaga! Tapos tayo nandito lang, pahintay-hintay lang,” ani Cong.

“Grabe! Stage 1 pa lang ng hirap yan, paglabas may recovery pa yan. Kawawa talaga sila,” dagdag pa nito habang nakikita ang pinagdadaanan ng kanyang longtime girlfriend. 

At nang ligtas ng ipinanganak si Kidlat, hindi maitago ang ngiti ni Daddy Cong, lalo na ng marinig ang unang iyak ng kanyang unico hijo. 

“Ilang beses ko ng narinig na ‘titigil ang mundo mo, titigil.’ (Pero) yung moment na nakita ko siya (Kidlat) nag-rewind yung buong buhay ko, hindi lang tumigil, nag-rewind. Parang nag flashback yung buong buhay ko,” paliwanag ni Cong TV. 

Panoorin ang buong kwento ng pagsilang ni Kidlat: 

Kath Regio

View Comments

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

6 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.