Vien Pregnancy Update: Vien Iligan-Velasquez, Pinasilip si Baby Viela!

Matapos ang top-trending gender reveal ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, pinasilip naman ngayon ng dalawa ang  first look sa kanilang baby girl.

Kagaya ng kanyang sister-in-law na si Viy Cortez, bumisita si Vien sa Hello Baby Ultrasound upang makita ang baby sister ni Mavi. 

Sa kanyang latest vlog, sinagot na ng vlogger / entrepreneur ang latest kay Baby Viela at iba pang update sa Velasquez family. 

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) dahil hatid namin ang latest chika mula sa JunnieVien couple!

Hello Baby Viela!

Ayon kay Vien na ngayon ay 16 weeks ng buntis, nagpasya silang magpa-ultrasound para marinig ang heartbeat ng kanilang bunso at para na rin makita ang kanyang kalagayan. 

Ito rin ang unang pagkakataon na makikita ni Kuya Mavi ang kanyang baby sister na tinatawag nila ngayong Baby Viela.

At dahil nakatalikod sa unang silip sa apat na buwang sanggol sa sinapupunan ni Mommy Vien, nilambing naman ito ng kanyang Kuya Mavi at sinabing: “‘Wag kang mahiya!”

Kitang kita naman ang energy ni Baby Viela na siyang kinatuwa ni Daddy Junnie at Kuya Mavi.

“Swim swim!” sagot ni Mavi matapos siya tanungin ni Mommy Vien kung ano sa tingin nya ang ginagawa ng kanyang baby sister.

Surprise Baby Shower for Viviys

Samantala, pinasilip din ni Mommy Vien ang pag-organisa nila ng surprise baby shower para sa kanilang kapwa Team Payaman member na si Viy Cortez. 

Apat na araw bago ipanganak si Baby Kidlat ay nagkaroon ng gold and white-themed baby shower ang YouTube star kasama ang mga kaibigan at pamilya nito.

“Hala ang ganda! May Kidlat-Kidlat!” reaksyon ni Viy Cortez matapos makita ang bonggang party set-up.

“Thank you so much! Hindi ko inexpect, akala ko manganganak na lang ako, ‘yun pala may pa-ganito! Kakain muna bago biyakin” pabirong mensahe ni Viviys.

Congpound update

Samatala, matapos ianunsyo nina Viy Cortez at Cong TV na sinisimulan na ang pagtayo sa Payamansion 3.0, a.k.a “Congpound,” binisita naman ito nina Junnie at Vien.

“Andito kami ngayon sa aming Congpound na bubuuin at ngayon nandito na si Mavi” panimulang kwento ni Mommy Vien.

Nilibot ng Iligan-Velasquez family ang kanilang future home at hindi pinalampas ang pagkakataon na mag picture taking sa kanilang soon-to-be home. 

Watch Vien’s full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

19 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.