Viy Cortez and Cong TV Welcomes Baby Zeus Emmanuel ‘Kidlat’ Velasquez

The long wait is finally over, mga kapitbahay! Isinilang na ang youngest member ng Team Payaman, ito ay walang iba kundi ang panganay ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

Eksklusibong binahagi ng VIYLine CEO sa VIYLine Media Group (VMG) ang ilang larawan ni Baby Zeus Velasquez, a.k.a Kidlat. Binigyan din nya kami ng kaunting chika sa kanyang memorable birth experience. 

Viy Cortez’s Birth Plan

Matagal nang naka-schedule ang cesarean delivery ni Viy Cortez sa kanilang unico hijo ni Cong TV. July 5 ang napili nilang petsa para sa birthday ng pinakaaabangang YouTube baby ng taon. Kasabay ito ng kaarawan nina Marlon Velasquez Sr. at Jr., a.k.a Papa Shoutout and Junnie Boy, na tatay at kapatid ni Cong TV.  

Sa isang TikTok video pinaliwang ni Viy kung bakit napili nya ang cesarean delivery kumpara sa normal still birth. Isa aniya sa mga dahilan ay ang pagkakaroon nya ng “low-lying placenta.”

Nakadagdag pa rito ang payo ng kanyang ina dahil silang tatlong magkakapatid ay pinanganak rin naman via CS. 

“Nag-decide kami ni Cong na mag-CS nalang ako kasi natatakot ako na mag normal gawa ng ang dami kong nakikita na nagnonormal sila pero ang ending nagiging emergency CS din.” paliwanag ni Viy.

“Maraming mga nag-advice sakin na kung nafe-feel mo na hindi mo kayang i-normal, i-CS nalang,” dagdag pa nito. 

Final Waiting Game

And finally, nito ngang July 5 pasado alas-onse ng umaga ay tagumpay na sinilang si Baby Kidlat via C-Section. 

Ayon sa aming reliable source, walang paglagyan ang kilig ng Mommy Viy at Daddy Cong ng unang masilayan si Kidlat. Hindi rin napigilan ng dalawa maging emosyonal sa pagdating ng pinakahihintay nilang unico hijo. 

Narito ang ilan sa mga eksklusibong larawan ni Kidlat na excited na binahagi sa aming team ni Viy. What a precious angel, indeed!

On behalf of our VMG family, Congratulations Viy and Cong, and welcome to the world, Baby Kidlat! 

Abangan ang mga exciting kaganapan sa birth story vlog sa YouTube channel nila Cong TV at Viy Cortez, SOON!

READ MORE: KIDLAT IS OUT! Baby Kidlat Lip Potion by VIYLine Cosmetics, Available na!

Kath Regio

View Comments

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

6 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.