KIDLAT IS OUT! Baby Kidlat Lip Potion by VIYLine Cosmetics, Available na Kasabay ng Pagsilang ng Panganay nina Cong TV at Viy Cortez!

Kasabay ng pinakahihintay na pagsilang ni Baby Kidlat ay ang pasabog na limited edition Baby Kidlat Lip Potion ng VIYLine Cosmetics!

Kahit kakatapos lang sumailalim sa cesarean section birth ay hindi pa rin nagpaawat si Viy Cortez na ibahagi ang milestone na ito sa kanyang milyun-milyong supporters. 

Available na ang Baby Kildat Lip Potion sa official VIYLine Shopee, Lazada, and TikTok stores ngayong birthday ni Kidlat, July 5, 2022. Limited edition lang ito mga kapitbahay kaya ‘wag ng magpatumpik tumpik pa! Add to cart na!

What is Baby Kildat Lip Potion?

Ang bagong lip product hatid ng VIYLine Cosmetics ay isang lip gloss na may dalawang shade in the name of “Baby” and “Kidlat.”

Parehong nagbibigay ng glossy plumply lips ang dalawang shade, pero kung gusto nyo ng pak na pak with glittery-shinning-shimmering look, go for the “Baby” shade.  

Meron itong thick gel consistency ngunit tiyak na very lightweight at hydrating sa inyong mga lips. Gaya ng ibang VIYLine Cosmetics lip products, pwede nyo ring gamitin ito as blush sa inyong mga cheeks. 

Meron itong Sweet Almond Oil to help rejuvenate your lips. It is also infused with Shea Butter at Aloe Vera Extract to moisturize the lips, at Tsubaki Oil na talaga namang magdudulot ng kissable lips! Kaya naman siguradong perfect din itong lip treatment para sa mga mayroon dry or chapped lips. 

But wait, there’s more! Alam nyo bang nag-iiba rin ang kulay ng produktong ito once applied to your lips? Kusa itong nag-aadapt sa ating unique PH level, making you achieve a custom-made glossy look!

The Baby Kidlat Lip Potion retails for only Php 249 each. Murang mura ‘di ba? Kaya ano pang hinihintay nyo, add to cart na at baka maubusan ka pa! 

Story behind the new product

Bago pa manganak si Viy Cortez ay naka-chikahan siya ng VIYLine Media Group (VMG) tungkol sa bagong produkto. 

Kwento ni Viy, naisipan nyang gumawa ng lip product na nakapangalan sa panganay nila ni Cong TV bilang remembrance sa memorable milestone na ito sa kanyang buhay. 

“Ginawa ko ‘to para remembrance ng pagsilang ko kay Kidlat. Para hanggang lumaki na siya, makita nyang ‘wow may ni-launch na nakapangalan sa akin!’”

Paliwanag ni Viy, malapit sa kanyang puso ang VIYLine Cosmetics dahil ito ang una nyang negosyo. Nais ng VIYLine CEO na lahat ng importanteng tao at maging memorable moments sa kanyang buhay ay magkaroon ng remembrance sa pamamagitan ng VIYLine Cosmetics. 

“Kagaya ng buong Team Payaman, andyan sila sa VIYLine, ginawa ko silang shade (ng liptints). Yung mga mahal kong aso andyan din yung shade gaya ng Cheesecake at Cookie (3-in-1 Multipot).”

“Si Kidlat syempre unang anak namin yan ni Cong, so gusto ko parte rin sya ng VIYLine. Para balang araw pag lumaki na sya may makikita akong gamit na ni-launch ko nung pinanganak siya, ganern!”

Kwento pa ng 25-anyos na YouTube vlogger, sobrang excited at saya nya habang binubuo ang produkto habang pinagbubuntis nya si Kidlat. 

Imbes na mapagod ay very hands on si Viviys during the product development. Talaga namang tinutukan nito lahat ng aspeto ng nasabing lip product, mula sa ingredients, shade, scent at hanggang packaging!

May mensahe rin si Viy sa mga supporters na tiyak na papakyawin ang kanyang bagong produkto. 

“Maraming maraming salamat sa pag suporta sa VIYLine Cosmetics, lalo na sa bagong limited edition Baby Kidlat Lip Potion. Alam kong magugustuhan nyo ang produktong ‘to kasi sobrang ganda!”

Bitin ba kayo sa chikahan, mga kapitbahay? Abangan ang buong kwento sa birth story ni Baby Kidlat sa YouTube channel nina Cong TV at Viy Cortez!

Likes:
0 0
Views:
2210
Article Categories:
SALE & PROMOTIONS

All Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *