As promised, sa pagbabalik ng Payaman Insider podcast on Spotify ay bibigyan tayo ng Team Payaman Boys ng mas malaman at makabuluhang usapan.
Sa nakaraang dalawang episode ng Payaman Insider, tinalakay nina Junnie Boy, Burong, Boss Keng at Tier One Entertainment Big Boss Tryke Gutierrez ang iba’t-ibang usapin tungkol sa pagpapayaman.
Kung gusto mong magsimula ng negosyo, yumaman o alamin ang mga sikreto ng mga successful businessmen sa mundo, siguradong para sayo ang “Batang Payaman” at “Ang Idolo Kong Payaman” episodes ng Payaman Insider sa Spotify.
Sa episode na ito, pinag usapan nina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at Tryke ang tungkol sa mga young millionaires.
Para kay Burong, ang mga taong naging milyonaryo at such an early stage ang nagpapatunay na hindi mo kailangan dumaan sa mahabang proseso para maabot ang tagumpay.
“Sila yung nagpapatunay na kahit bata ka pa pwede ka ng maging advance sa buhay. Kumbaga para kang naka-cheat code kapag ganun eh! Kapag nag grind ka tapos eventually naging millionaire ka at a young age.”
Gusto namang ibigay ni Junnie Boy ang papuri sa mga magulang ng mga young millionaires dahil tiyak na malaki ang naging suporta at naituro nila sa mga batang ito when it comes to financial literacy.
Base sa obserbasyon ng mga podcast host, may apat na katangian ang mga succesful individuals na yumaman sa maagang edad. Ito ay ang mga sumusunod:
Hindi sila maituturing na kuripot pero talaga namang disiplinado pagdating sa paggastos, partikular sa mga luho.
Alam nila ang kanilang goal sa buhay at sinasamahan nila ito ng solid work ethic.
Marunong silang ilaan ang kanilang hard-earned money sa iba’t-ibang investment. May talento rin silang malaman kung anu-anong negosyo ang ang may potensyal na lumago.
Kaya nilang palaguin ang isang negosyo dahil focused sila sa improvement at development ng kanilang produkto.
Ilan sa mga tinitingalang successful millionaires ng Payaman Insider hosts ay sina Jack Ma, Elon Musk, Bill Gates at si Mark Cuban ng NBA team na Dallas Mavericks.
Gaya ng mga nasabing milyonaryo, mayroon ding crazy business ideas sina Junnie Boy, Burong, Boss Keng at Boss Tryke.
Nariyan si Junnie na pangarap magkaroon ng sariling car brand na tatawaging “Velasquez Cars.” Si Burong naman ay nais gumawa ng kakaibang “roll on feminine wash,” habang si Boss Keng ay gustong maka-imbento ng gamot for instant hair growth. Samantala, virtual reality naman ang trip ng Esports icon na si Boss Tryke.
Kung nabitin kayo sa chikahan, tara na’t pakinggan ang fun but informative episodes ng Payaman Insider:
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.