Categories: SALE & PROMOTIONS

Limited Edition Cong Clothing ‘Kidlat Collection’ Available na!

Talaga namang excited na ang lahat sa pagsilang ni Baby Kidlat! Pero bago ang “big day” nina Cong TV at Viy Cortez, sinigurado ng bossing ng Team Payaman na maibahagi ang milestone na ito sa milyun-milyon nilang supporters.  

Aside from vlogging, focused din sa kanyang mga negosyo ang legendary YouTube content creator. Matapos ang successful opening ng “BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman” ay naglabas naman ito ng bagong collection para sa merchandise venture nyang “Cong Clothing.” 

Una ng naglabas ang Cong Clothing ng Uncle at Neighborhood Collection na inspired sa biro ni Viy Cortez sa magiging role ni Cong sa buhay ni Baby Kidlat.

Sa ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) kay Cong Clothing co-founder Awi Columna, napagalaman namin ang kwento sa likod ng bagong limited edition Kidlat Collection, which will officially drop on July 12, 2022. 

Cong Clothing Kidlat Collection

Kamakailan lang ay nilabas ng Cong Clothing ang mga t-shirt designs para sa bagong Kidlat Collection inspired syempre sa panganay nina Cong at Viy. 

Ayon kay Awi, ang bagong collection ay connected sa iba’t-ibang mythology na may kinalaman sa kidlat. Kaya naman ang apat na bagong design features Zeus from Greek Mythology, Thor from Norse Mythology, Raijin from Japanese Mythology, and of course, Cong TV’s very own Kidlat.  

Source: Cong Clothing Facebook page
Source: Cong Clothing Facebook page

Source: Cong Clothing Facebook page

Source: Cong Clothing Facebook page

“Ang nag-conceptualize ‘non [design] ay ako. Yung usual peso logo, naisip ko siyang lagyan ng lightning sign sa ibaba parang collaboration siya ng Kidlat x Team Payaman” dagdag pa ni Awi, na syang ring vocalist ng bandang COLN. 

Samantala, ang artist naman sa likod ng mga epic designs ay walang iba kundi si WarLourd ARTS na official Cong Clothing reseller din mula sa Maguindanao.

Bukod sa effort ng buong Cong Clothing team, binahagi rin ni Awi kung gaano ka-dedicated si Cong sa newly-released Kidlat Collection.

Dagdag pa ni Cong Clothing co-founder, matapos ang naudlot na trip to Vietnam ni Cong ay sinimulan na ng kanilang team ang pag conceptualize ng kanilang nasabing collection.

Budol is real!

Sigurado kaming pagkakaguluhan ng buong Team Payaman fans ang limited edition Kidlat Collection na ito na tiyak na sulit na sulit for its price. 

“Kung mapapansin nyo yung Cong Clothing ngayon, limited edition na siya. So pag nauubos siya, ‘di na kami nagrereplenish. So ang dating niya, ikaw lang ang meron ‘nun [shirt]. So parang rare yung mga items na nire-release namin,” paliwanag ni Awi. 

“At the same time, quality pa rin yung material kagaya dati. Lumelebel na siya sa mga international brands at the same time, kaya mo na rin siyang suotin pang-labas,” dagdag pa nito.

Ang tanong, magpapahuli ka ba na magkaroon ng limited edition Cong Clothing item na ito? Kidlat Collection is now open for reservation, just make sure to send a message to the official resellers in your area. 

Check out Cong Clothing’s Official Facebook para makita ang official resellers sa inyong lugar. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

7 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

This website uses cookies.