Team Payaman ‘Cheering Squad’ Balik Spotify Para sa ‘Payaman Insider Season 2’

Matapos ang mahigit dalawang buwang pahinga ay back on air na sina Junnie Boy, Boss Keng, Burong at Boss Tryke Gutierrez para sa Season 2 ng Payaman Insider podcast sa Spotify!

Noong May 28, 2022, nagkaroon ng “Welcome Back” episode ang Team Payaman boys at Tier One Entertainment big boss. Dito pinagkwentuhan nila ang mga plano at dapat pang abangan sa panibagong season ng nasabing podcast. 

Source: Tryke Gutierrez’s Facebook page
Source: Burong Rattan’s Facebook page

New exciting episodes

Ayon kay Boss Keng, para syang nanalo sa SEA Games ng ma-renew sila ng Spotify for Season 2. Bukod sa maraming nagtatanong na listeneres kung kailan ulit sila mapapakinggan, excited din aniya sya sa mga mapag uusapan sa mga upcoming episodes. 

Para naman kay Burong, excited siya sa “new and improved” Payaman Insider dahil mapapanood na rin ang nangyayari sa loob ng recording studio. Asahan din aniya ng mga listeners na mapapakinggan nila ang “serious side” ni Burong pagdating sa mga seryosong usapin. 

“Ako sobrang laking pasasalamat ko kasi nagbunga yung mga troll accounts na binayaran ko para mag-message kay Spotify at iparamdam sakanilang maraming demand,” biro ni Boss Tryke. 

Pero joke lang yun, mga totoong account po yun, hindi po yun mga troll accounts!” dagdag pa nito.

Kidding aside, thankful din ang Tier One big boss na binigyan sila ulit ng Spotify ng tyansa na magkasama sama para sa masasayang episode. 

Samantala, looking forward naman si Junnie Boy na magkaroon pa ng mas maraming inspirational at motivational messages para sa mga listeners. 

Source: Junnie Boy Facebook page
Source: Boss Keng Facebook page

Dream podcast guest

Kung bibigyan ng pagkakataon at mayroon silang unlimited budget, tinanong ni Boss Tryke kung sino ang nais nilang maimbitahang special guest for Payaman Insider Season 2. 

Para kay Keng, dream nyang maging special guest si Team Payaman “bossing” Lincoln Velasquez o mas kilala sa tawag na Cong TV. 

“Feeling ko pag nag guest kasi si Bossing dito medyo serious type yon, kasi pag podcast gusto nya seryoso,” paliwanag ni Keng. 

“Gusto ko kasing marinig nyo kung papaano magsalita si Bossing pag seryoso. Kasi more on kami lang ang nakakarinig non kasi ang napapanood nyo lang sa vlogs ay yung Cong TV na, pero yung Lincoln Velasquez, hindi nyo pa napapakinggan,” dagdag pa nito. 

Kung si Burong naman ang tatanungin, nais nyang makapanayam ang Tier One co-founder at sikat na gamer at cosplayer sa bansa, si Alodia Gosiengfiao. 

Samantala, ang batikang talk show host namang si Boy Abunda ang gustong maka-chikahan ni Junnie Boy. Tiyak daw na marami silang matututunan kay Tito Boy pagdating sa pagsasalita lalo na at nasa larangan na sila ngayon ng talk show sa nasabing Spotify podcast. 

Listen to the full episode below: 

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.