Viy Cortez Pregnancy Update: Baby Kildat COMING SOON!

Kung sa tingin nyo ay excited na ang mga Viviys, Chickenfeet Gang at buong Team Payaman fans sa pagdating ni Baby Kidlat, tiyak na doble ang excitement nina Cong TV at Viy Cortez. 

Ilang linggo nalang ay masisilayan na natin ang unico hijo ng YouTube power couple, pero ang tanong ng lahat, kailan na ba lalabas sa sinapupunan ni Viy si Kidlat?

Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at silipin natin ang mga last-minute preparations nina Mommy Viy at Daddy Cong para sa kaabang-abang na birth day ni Baby Kidlat. 

Getting ready for the BIG DAY

Sa isang TikTok video, ibinahagi ng 25-anyos na VIYLine CEO na nagsisimula na sila sa tinatawag sa “Nesting Stage,” o ang pag-aayos ng mga gamit bilang paghahanda sa paglabas ng baby. 

Ayon kay Viy, nag-desisyon sila ni Cong na magbawas ng ilang gamit sa kanilang kwarto sa Payamansion to make room for Kidlat’s stuff. Kabilang aniya sa kanilang ni-let go ay ang massage chair na binenta nila sa mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar. 

Pinakita rin ng soon-to-be mom ang bagong closet ng kanilang unico hijo kung saan ready na ang ilan sa kanyang mga damit at sapatos. 

Sa isa pang TikTok entry, pinakita naman ni Viy ang reaksyon ni Cong TV matapos makita ang ilan pang kiddie shoes na binili nya for Kidlat. 

“Ano ‘to? May paa bang kasya dito? Ang liit nito oh!” namamanghang sabi ni Cong habang tinitignan ang mga cute na sapatos na animo’y keychain sa liit. 

Samantala, hindi naman mapigilan matuwa ng legendary YouTuber ng makita ang isang Nike Jordan shoes para sa kanyang panganay. 

“Bibili ako ng ganito! Hindi ako mahilig sa Jordan pero dahil kay Kidlat mukang kailangan kong bumili,” sambit ng excited na kapitbahay, este tatay!

Kidlat Cutie

Samantala, sa isa namang Facebook post ay binahagi ni Viy Cortez ang latest 4D Ultrasound ni Baby Kidlat kung saan kitang-kita ang kanyang chubby cheeks. 

Biro ng soon-to-be mom, si Kidlat ay tila tipo ng bata na iiyak kapag walang stock ng pagkain sa ref dahil sa kanyang tabachingching na facial features. 

“Mukhang kailangan pa namin magsikap ng daddy mo anak… mukhang iiyak ka pag wala tayong mga nakatagong pagkain sa ref hahahaha! Loveyou anak, see you soon!”

Viy Cortez’s birth plan

“So sa mga nagtatanong, kailan ba ko manganganak? Manganganak ako mga Viviys, first week of July. Isang buwan nalang mga Viviys!”

Ito ang naging revelation ni Viy Cortez na talaga namang ikina-excite ng lahat. Pero bukod sa mga excitement, ang nasabing revelation ay nagbunga rin ng maraming katanungan kung bakit napili ni Viy na manganak via Cesarean Section (CS).

Paliwanag ni Viy, isa sa mga dahilan sa desisyon na ito ay ang pagkakaroon nya ng “low-lying placenta.”

Nakadagdag pa rito ang payo ng kanyang ina dahil silang tatlong magkakapatid ay pinanganak rin naman via CS. 

“Nag-decide kami ni Cong na mag-CS nalang ako kasi natatakot ako na mag normal gawa ng ang dami kong nakikita na nagnonormal sila pero ang ending nagiging emergency CS din.” paliwanag ni Viy.

“Maraming mga nag-advice sakin na kung nafe-feel mo na hindi mo kayang i-normal, i-CS nalang,” dagdag pa nito. 

Bagamat sinabi ni Viy na naka-schedule na sya for CS sa unang linggo ng July, pinili nitong hindi muna i-announce ang magiging opisyal na birth date ni Kidlat. 

From your VIYLine Media Group family, we wish you a safe and smooth delivery, Viy!

Watch Viy Cortez’s full Kidlat closet tour vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Thanks Childhood Bullies That Made Him Strong Against Online Bashers

Isa ka rin ba sa mga milyun-milyong tagahanga ni Ninong Ry?  Hindi maitatanggi na nakakaaliw…

12 hours ago

Alex Gonzaga Impersonates ‘Ms. Rachel’ in Attempt to Impress Niece Polly

Dahil nais na makuha ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang loob ng…

12 hours ago

Morena Beauty Studio: Celebrate Filipina Beauty with Viy Cortez

Have you ever dreamed of running a salon that celebrates Filipina beauty? Viy Cortez, your…

1 day ago

LOOK: Team Payaman’s Yow Andrada Stars in GMA’s ‘Pepito Manaloto’

Isa sa mga pinaka-inabangang episode ng longest-running situation-comedy show na Pepito Manaloto ay ang pagbisita…

2 days ago

Treat Your Moms With These Spectacular Mother’s Day Deals From VIYLine

We owe the person we are today to our mothers and mothers-at-heart, who champion raising…

3 days ago

LOOK: Team Payaman Girls Surprise Viy Cortez With a Bridal Shower in Thailand

Isang hindi inaasahang bridal shower ang sumalubong sa soon-to-be bride na si Viy Cortez, handog…

4 days ago

This website uses cookies.