Categories: SALE & PROMOTIONS

BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman, Matitikman na!

The long wait if finally over! Mabibisita na natin ang pinakabagong business venture ni legendary YouTube content creator, Cong TV, ang Big Roy’s Boodle Fight  by Team Payaman!

Matatandaang nitong Marso ay inanunsyo ng 30-anyos na vlogger ang nakatakda nyang pag-franchise sa food business na  “BigRoy’s Boodle Fight.”

Napag alaman ng VIYLine Media Group (VMG) na ang bagong franchise owner ay hindi lang basta-basta nag-invest sa nasabing negosyo. Katunayan, si Cong TV at ang buong Team Payaman ay loyal customers ng BigRoy’s BF Parañaque branch. 

Soft and grand opening

Sa kanyang latest vlog na pinamagatang “Tenem,” sinabi ni Cong TV na ang BigRoy’s by Team Payaman sa Pasay City ay magkakaroon ng soft opening bukas, June 1, 2022. 

Ang nasabing boodle fight restaurant ay bukas sa publiko simula alas-10 ng umaga hanggang alas onse ng gabi.

Samantala, ang grand opening naman ng Big Roy’s Boodle Fight by Team Payaman ay gaganapin sa Linggo, June 5, 2022. 

Ang nasabing franchise branch ni Cong TV ay matatagpuan sa Unit F, Building 9, Salem Complex, Domestic Road 1301 Pasay City

Olaaah Menu

At dahil malakas kayo samin, mga kapitbahay, bibigyan na namin kayo ng sneak peek sa mga katakam-takam na menu na maari nyong tikman sa BigRoy’s Pasay branch. 

Kabilang dito ang best-selling bilao set menu na perfect para sa buong pamilya o barkada. Starting at PHP 539 bilao set, matitikman nyo na ang iba’t-ibang staple Pinoy boodle fight dishes gaya ng Inihaw na Liempo, Manok, Tuna Panga, Tuna Belly, Hipon, at marami pang iba. 

Bukod dyan, meron din silang rice meals at ala carte menu gaya ng Sinigang, Dinakdakan, Kinilaw na Tuna, Bisdak Bagnet, at iba pa. 

Cong TV Top Picks

Gaya ng nasabi namin kanina, si Cong ay parokyano ng BigRoy’s Boodle Fight kaya naman highly-recommended nya ang mga putahe rito. 

Sa isang exclusive chikahan, tinanong ng VMG si Mossing kung ano ba ang kanyang paboritong BigRoy’s dish na maaring irekomenda sa lahat. 

“Mahilig kasi ako sa gulay, yung mga simpleng talong, kamatis, okra, malaking bagay sakin yun!”

Bukod don ay favorite din daw ng legendary vlogger ang mga authentic Cebuano dishes ng BiyRoy’s gaya ng Chorizo de Cebu, Inihaw na Liempo, Tuna Belly at Tuna Panga. 

Samantala, nakapanayam din ng aming team si Mr. Roylan Aguilo, ang proud owner ng BigRoy’s Boodle Fight. Isa aniya sa pinagmamalaki nya sa BigRoy’s ay ang kanilang “Original Sukang Bisdak” na talagang magpapa Olaaah daw sa lahat ng titikim. 

Alam naming nasasabik na kayong matikman ang pinagmamalaking food business ni Cong TV. Kaya naman magkita-kita tayo sa darating na June 2 soft opening at June 5 grand opening. See you there mga kapitbahay!

Kath Regio

View Comments

  • Hi po magandang hapon tanong ko lang po kung hiring po sa Big Roys Boodle Fight po salamat po

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.