Meet Carding Magsino: Team Payaman’s Resident Physical Therapist

Kilala natin siya bilang isa sa may pinaka-nakakahawang halakhal sa Team Payaman at ang resident physical therapist sa Payamansion. 

Pero sa likod ng kanyang nakaka-LSS na tawa at makalaglag panga na kaalaman, ay isang taong may nag-uumpaw na passion pagdating sa kanyang coffee business. 

Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at kilalanin pa natin ang isa sa pinakabagong mukha ng Team Payaman, si Carding Magsino. 

Sino ba si Carding?

Sa isang eksklusibong panayam with VMG, ikinwento ni Carding kung papaano ba sya napunta sa Team Payaman. 

May 2020, kasagsagan noon ng pandemya nang makatanggap ng tawag si Carding na naghahanap umano ng physical therapist si Boss Keng ng Team Payaman. Matatandaang noong mga panahong iyon ay nagkasakit si Boss Keng ng Bell’s Palsy at kinailangang ng puspusang therapy para maibalik sa dati ang kanyang lakas. 

Pero kahit gumaling na si Boss Keng ay nagpatuloy ang serbisyo ni Carding sa ilang miyembro ng Team Payaman, kung kaya’t napasama narin ito sa mga vlog. 

Sa isang episode ng Payaman Talks podcast, sinabi ni Team Payaman leader Cong TV na nakita nya ring magiging asset si Carding sa grupo dahil sa kaalaman nito pagdating sa physical therapy. 

Carding the vlogger

Source: Carding Magsino Facebook page

Pero paanong ang isang physical therapist ay napunta sa industriya ng content creation? Dahil napapalibutan si Carding ng mga batikan at mahuhusay na vlogger, hindi narin nito naiwasang sumabak sa paggawa ng videos. 

“Ang nagpush talaga neto (vlogging) si Mossing (Cong TV) talaga,” ani Carding. 

“Nagpatulong ako sa kanya. Siya pa nga yung gumawa ng YouTube channel ko eh! Noon nag-uumpisa ako mag vlog sya din nagbigay ng go signal sakin, siya nga rin halos nag-edit nun (first vlog), si Bods at si Cong TV,” dagdag pa nito. 

Nang tanungin ng VMG kung paano sya na-convince ni Cong TV na mag-vlog, ito ang tanging nasabi ni Carding: “Ang lakas mamawer nun eh!”

Talaga namang, pawer!

Source: Cardi Brew Facebook page

Bilang baguhang vlogger, mayroon bang mga dream collaboration si Carding?

“Sa totoo lang wala po akong maisip sa ngayon. Kasi yung mga gusto kong makasama (sa vlog) nakakasama ko na!”

Cardi Brew

Bukod sa pagiging vlogger, isa narin ngayong ganap na businessman ang Team Payaman member na si Carding Magsino. Nitong taon lang ay inumpisahan nya ang kanyang passion project na Cardi Brew. 

Sa aming chikahan, binahagi ng physical therapist-turned-vlogger-turned-entrepreneur ang kanyang journey sa pagsisimula ng coffee business. 

Abangan ang exclusive interview ng VIYLine Media Group kay Carding Magsino bukas 7 PM sa aming official YouTube channel. Ano pang hinihintay nyo mga kapitbahay, subscribe na!

Kath Regio

Recent Posts

VIYmonte Kitchenomics Is Back: Mommy Viy Faces Daddy Cong in Cook-off Vlog

Isang panibagong edisyon ng VIYmonte Kitchenomics ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy…

2 days ago

Is Team Payaman Launching a New Podcast? Meet the Newest TP Trio!

Isang bagong samahan na naman ang sumibol sa lumalaking pamilya ng Team Payaman!  Humanda na…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Heats Up Summer at SM City Dasmariñas

Summer just got even hotter as the  Viyline MSME Caravan opens its doors to the…

2 days ago

Viyline Print Brings TP Fan Must-Haves to the Viyline MSME Caravan

Solid Team Payaman fans, raise your hands! If finding official TP merchandise is one of…

3 days ago

Little Pat or Little Keng: Tracing Baby Ulap’s Adorable Features

Matapos matunghayan ang hindi matatawarang karanasan ng pamilya Velasquez-Gaspar sa pagdating ni Baby Ulap, usap-usapan…

3 days ago

Here Are the Best Ways to Use Viyline’s Perfect Scent Spray N’ Wipe for Quick Clean-Ups

Looking for a cleaner that smells amazing and gets the job done fast? Viyline’s Perfect…

3 days ago

This website uses cookies.