Team Payaman Congratulates Cong TV for Hitting 10 Million YouTube Subscribers

Napuno ang social media ng congratulatory messages matapos opisyal na pumalo sa 10 million ang YouTube subscribers ni legendary content creator Cong TV.

Biyernes, ika-27 ng Mayo, bandang alas nwebe ng gabi, opisyal na sumampa na sa sampung milyon ang mga supporters ng 30-anyos na vlogger.

Cong TV History

Mahigit isang dekada na ang nakakaraan ng unang sumabak si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV sa paggawa ng videos.

Una syang nakilala sa mga short videos nito sa app na Vines at mga kwela ngunit makabuluhang clips sa YouTube.

Kalaunan ay sumabak narin sa vlogging si Cong na nagbigay daan sakanyang kasikatan.

Ayon sa kwento ni Cong sa kanyang mga vlogs, nais ng kanyang Papa Val (a.k.a Papa Shoutout) na magtrabaho siya abroad, ngunit ipinaglaban nito ang kanyang hilig sa paggawa ng videos. Nagpursige ito at isinabuhay ang “Law of Attraction” para mapatunayan na may patutunguhan ang kanyang nais tahakin na landas.

Kasabay ng pagsikat ni Cong TV ay ang pagkilala rin sa mga taong madalas nyang kasama sa vlog. Kabilang dito ang kanyang kapatid na si Junnie Boy, nobyang si Viy Cortez, kaibigan at kapwa content creators na sina Roger Raker (Pau Sepagan) at Emman Nimedes, at maging ang kasintahan ng kanyang mga kapatid na sina Yow (Anthony Jay Andrada), Boss Keng (Christian Gaspar) at Vien Iligan-Velasquez.

Kalaunan ay na-impluwensyahan ni Cong na sumabak sa vlogging ang kanyang mga kasama. Hindi nagtagal nakilala ang grupo sa tawag na “Team Payaman” isang pagkakaibigan na talaga namang hinahangaan ng lahat dahil sa hatid nilang kasayahan sa mga manonood.

10 Million Strong

Fast forward to 2022, sampung milyon na ang naka-subscribe sa YouTube channel ni Cong TV.

Sa isang social media post, pinasalamatan ni Cong ang kanyang mga taga-suporta.

“Sa wakas! Maraming Salamat sa inyong lahat mga paa! Kay tagal kong hinintay to. Posible pala!”

“Salamat sa Team Payaman at higit sa lahat sa #ChickenFeetGang #Paawer”

Bumuhos naman ang pagbati para milestone na ito ni Cong TV. Unang una sa pagbati syempre ay ang kanyang longtime girlfriend at kapwa vlogger na si Viy Cortez.

“Happy 10M mahal ko!” ani Viy Cortez.

“Deserve na deserve mo yan mahal, nakita ko kung pano mo yan pinagtrabahuan. I love you mahal simula sa wala hanggang 10M subscriber nakita ko. iloveyou mahal ko,” dagdga pa nito.

Binuking Viy na mahimbing ang tulog ni Cong at ginising pa nya ito para ipaalam ang magandang balita.

Hindi naman nagpahuli sa pagbati ang dating editor at ngayon ay Team Payaman vlogger narin na si Steve “My Friend” Wijayawickrama.

“When other youtubers be celebrating their subs count getting 10M, my friend you are always doing what the world doesn’t do and that’s what makes you Unique as always.”

“Have a rest as you deserve it, everyone knows your grind to making this law of attraction possible. Congrats to the GOAT 10 million done and a new chapter begins Lezgo 50M.”

Narito pa ang ilan sa pagbati ng ibang Team Payaman members:

Samantala, emosyonal namang binati ni vlogger Rey Selibio ang kanyang ultimate idol.

Matatandaang si Rey ay gumawa ng isang customized 10 million subscribers play button para kay Cong TV. Ngayon na opisyal na ang mga numero, ito na kaya ang takdang panahon para personal na iabot ni Rey sa nag-iisang Cong TV ang kanyang masterpiece? Abangan.

Sampung milyong mga paa!

Syempre, hindi nagpahuli ang netizen sa pagbati kay Cong TV. Narito ang ilan sa kanilang mensahe.

Muli, mula sa inyong VIYLine Media Group family, Congratulations, Mossing Cong TV! Cheers sa mas marami pang quality contents at mas maraming inspirasyon na hatid mo sa lahat. Paawer sayo, boss! Peace!

Kath Regio

Recent Posts

4 Hulas-Proof Makeup from VIYLine Cosmetics: Your Ultimate Summer Makeup Solution

Are you tired of your makeup melting away in the scorching hot weather in the…

24 hours ago

Vienna Iligan Claps Back at Haters Accusing Her Sister Vien of Non-Support

A responsible mom, a loving wife, and a hands-on business owner are just some of…

1 day ago

Boss Keng, Pat, Clouie, and Dudut Take on a Fun Telepathy Challenge

Panibagong masayang hamon na naman ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng…

3 days ago

Viy Cortez Shares Another Motherhood Moment That Every Mother Could Relate to

Muling naka-relate ang netizens, partikular na ang mga nanay, sa panibagong motherhood moment na ibinahagi…

3 days ago

Love Advice From Vien Velasquez’s Parents Celebrating 33 Years of Marriage

Payong mag-asawa ang hatid ng mga magulang ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang bagong YouTube vlog…

3 days ago

Proof that Vien Iligan-Velasquez is the Biggest BINI Fan in Team Payaman

Do the songs “Pantropiko” and “Salamin, Salamin” ring bells to you? If they do, you’re…

3 days ago

This website uses cookies.