VIYLine Skincare x Ohmyveenus Dream Collab, Possible ba?

Matapos magkamit ng gintong medalya sa nakaraang 31st Southeast Asian Game sa Vietnam, naging usap-usapan naman sa TikTok ang posibilidad na magkaroon ng “VIYLine Skincare x Ohmyv33nus” dream collaboration.

Hindi pa man nauumpisahan ay tiyak na marami ang susuporta at tatangkilik sa dream collab na ito. Kaya naman ang tanong ng bayan, posible kayang matuloy ang pagsasanib pwersa ng reyna ng Team Payaman at reyna ng Mobile Legends community?

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay sabay nating alamin ang pangarap sa likod ng dream collaboration ng Blacklist International legendary player na si Johnmar “Ohmyv33nus” Villaluna.

VeeWise looking for partnership?!

Matapos manalo ng Blacklist International Team Sibol sa Sea Games nitong nakaraang linggo kung saan nagkaroon din ng malaking role bilang cheerleaders ang Team Payaman boys, ay muling nahukay ng netizens posibilidad na maka-colab ni Ohmyveenus ang VIYLine CEO na si Viy Cortez.

Sa isang Mobile Legends Gaming Livestream ng VeeWise (Ohmyveenus and Danerie James “Wise” Del Rosario) noong March 7, napansin ng isang viewer ang mala-Korean glass skin ni Ohmyveenus.

“Bhie ano skincare mo? Sana all makinis!” comment ng isang supporter.

Bagamat hindi nagkaroon ng “skincare reveal” si Ohmyveenus sa nasabing livestream, inamin naman nito ang pangarap nilang mag negosyo ng skincare line. 

Source: Tier One Entertainment Facebook page

“Actually, bet ko nga magbenta kami ni Wise ng mga products for skincare. Kung mayroon kayong ano diyan, mga established na [brand] na looking for partnership, reseller, or what. Mga skin products ganon!” paliwanag ng sikat na gamer. 

Dali-dali namang may nag-suggest na wag nang magpatumpik tumpik pa at makipag-collab na sa VIYLine Skincare ni Viy Cortez.

“Viyline Skincare? Oo nga noh, nagpa-partner partner kaya yung VIYLine? Yung ano (girlfriend) ni Cong,” paliwanag ni Ohmyveenus kay Wise.

“Mag-resell ka nalang ng ViyLine! Vee ka din naman! Pag V ibig sabihin magiging succesful,” hirit naman ni Wise na isa ring MLBB Professional Player.

Viviys x Veeveeys

Talaga namang all out rin ang support ng mga netizens sa posibilidad na pagsasanib pwersa ni Viy at Vee. 

Sa isang TikTok video, bumuhos ang excitement ng mga fans sa dream collaboration nito with VIYLine Skincare!

@heyyow_007: “@Viy Cortez madam baka naman po my request si Ohmyveenus!”

At syempre, hyped na hyped din ang mga netizens pitching for ideas para sa collaboration na ito! Karamihan sakanila ay tinag rin si Viy Cortez para matupad ang nasabing dream collab.

@_vw10wv_: “@Viy Cortez LGBTQIA Cosmetic edition since malapit na rin po mag pride month!”

@mixxingtheeart: “OMG Please Madam Viy Cortez! Magpapabudol talaga ako malala dito!”

Ilan lamang ito sa mga comments na talaga namang nagpakita ng excitement sa partnership between VIYLine Skincare x Ohmyveenus!

Kaya naman ang tanong, ito na nga ba ang simula ng pang malakasang pagsasanib pwersa ng dalawang reyna? VIYLine Skincare x OhmyVeenus, soon? Abangan!

Yenny Certeza

View Comments

Recent Posts

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

18 hours ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

21 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

2 days ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

3 days ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

3 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

4 days ago

This website uses cookies.