Pat Velasquez at Boss Keng ng Team Payaman, Inamin ang Unang Pagsubok Bilang Mag-asawa

“Everytime na magkakasakit ako, you were always there.”

Ito ang nakakakilig at nakaka-touch na pahayag ng vlogger na si Christian Gaspar o mas kilala sa tawag na Boss Keng patungkol sa kaniyang asawa na si Pat Velasquez.

Kamakailan lang ay sumabak ang newlyweds sa Valentine’s Special Interview hatid ng VIYLine Media Group (VMG)

Ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga favorite moments, dream date, pati narin ang mga unang pagsubok bilang bagong kasal. 

Perfect Valentine’s Date


Dahil katatapos lang ng Araw ng mga Puso, inamin ng dalawa na kahit halos 12 taon na silang magkasintahan ay mayroon parin silang pinapangarap na simpleng date. 

Dahil mahilig magtravel sina Boss Keng at Pat (a.k.a Neneng Lameg), isa sa kanilang pangarap na Valentine’s Date ay magkaroon ng kakaibang experience sa beach.

“Beach. ‘Don kami mag-stay sa likod ng sasakyan, stargazing. ‘Yun ang pinaka-perfect!” 

Dagdag pa ng dalawa, nais nilang magkaroon ng quality time sa tahimik na lugar kung saan walang signal ang internet para makapag focus sila sa isa’t-isa. 

Samantala, ipinagdiwang naman nina Boss Keng at Pat ang Valentine’s Day 2022 sa pamamagitan ng pag bisita sa location ng kanilang soon-to-open na food business. 

Live-in revelation

Hindi maitatanggi na maraming bagay ang kailangang isaalang-alang ng mga magkasintahan upang lalong pagtibayin ang kanilang pagsasama. 

Ibinahagi ng tambalang PatEng na isa sa pinakamahirap na desisyon na hinarap nila bilang magkasintahan noon ay ang pagsasama sa isang bahay kahit hindi pa sila kasal. 

“Noong nag-live in kami, medyo mabigat siya eh! Lalo na sa parents ko na Christian Catholic,” kwento ni Pat sa VMG. 

Kami ni Keng, simula nung tumira kami sa Payamansion 1, napag-uusapan namin na nagi-guilty kami pareho,” dagdag pa ni Mrs. Gaspar. 

Bukod sa pagmamahal sa kanyang nobya, inamin ni Boss Keng na isa ito sa dahilan kung kaya nagpasya na silang magpakasal. 

So kaya ito si Boss Keng, pinakasalan si Neneng Lameg!” 

Pagsubok sa buhay mag-asawa

Gaya ng karamihan sa bagong kasal, inamin ng PatEng ang kagustuhan narin nilang magkaroon ng anak. 

Ayon sa mag-asawang vlogger, mahigit dalawang buwan narin silang sumusubok makabuo ng supling matapos ikasal noong Nobyembre ng nakaraan taon. 

“Monthly kaming hopeful na sana meron na,” ani Pat.

Umaasa ang bagong misis na mag bunga na pagmamahalan nila ni  Boss Keng. Ngaunit hindi naman aniya sila nagmamadali at willing maghintay ng tamang panahon. 

“Miracle sya na ibibigay ni Lord, waiting kami sa kung kailan niya ibibigay. Waiting! Sana [dumating] this year!” lakas loob na iginiit ni Pat.  

Last name tampuhan

Samantala, ekslusibo ring binahagi ng dalawa ang tila una nilang tampuhan bilang mag-asawa.  

Nang tanungin ng VMG kung plano bang panatalihin ni Pat ang kaniyang maiden name, naging mabilis ang kaniyang sagot: “Hindi na, gusto ko Gaspar [yung apelyido ko]”.

Kasabay nito ay inamin ni Mrs. Gaspar na tila nagtampo noon sakanya si Boss Keng dahil napapansin nitong hindi nya pinapalitan ang kaniyang surname sa mga social media accounts. 

“Parang two-three weeks after nung kasal, si Keng nagtampo sakin. Napansin niya na hindi ako nagpapalit ng surname sa Facebook, Youtube.” 

Kung gusto nyo pa ng mga real-time updates mula sa Team Payaman, don’t forget to follow VIYLine Media Group on Facebook and Twitter accounts upang maging updated sa latest chika! 

viyline.net

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.