Cong TV and Viy Cortez, Handa na nga ba sa Next Chapter Bilang Magulang ni Baby Kidlat?

Matapos ang engrande at napakasayang gender reveal party nina Cong TV at Viy Cortez, sumabak ang magkasintahang vlogger sa  isang matinding Valentine’s Day Q&A with VIYLine Media Group (VMG). 

Matapang na sinagot ng dalawa ang mga tanong tungkol sa kanilang love story, relationship status, at future plans as soon-to-be Daddy Cong and Mommy Viy. 

Throwback to 2015

Hindi lingid sa kaalaman ng fans nina Cong TV, Viy Cortez at ng buong Team Payaman na nagkakilala ang dalawa sa Facebook. 

Kwento ni Viy sa VMG, April 2015 nang mag lakas loob siyang mag-chat kay Cong TV as an ultimate fangirl. 

“Chinat ko sya sa Facebook kasi adik na adik ako sa mga Vines nya,” ani Viy, patungkol sa dating video sharing application na Vine.

“Eh nagkataon hindi ko inexpect, nagreply!” kinikiling pang dagdag ni buntis. 

Inamin naman ni Cong TV na agad siyang nag-reply dahil napukaw sya sa ganda ni Viy sa profile picture nito. 

Pero ano ba ang naramdaman nila sa kanilang unang pagkikita?

“Noong (unang) kita ko kay Cong, totoo ang slow motion,” paliwanag ng VIYLine Group of Company CEO.

“Nung tumayo sya at nakita ko, slow motion na yon. Ang tagal nung pagtayo tapos ang tangkad! Sabi ko ‘My God, ang hot neto!”

Kung nagkaroon ng slow motion moment si Viy Cortez, tila kabaliktaran naman ang naramdaman ni Cong TV. 

“Sa’kin naman parang fast forward.”

“Kasi ang bilis ng pangyayari, yung isang araw na yon, naubos yung limang daan ko!” pabirong sabi ni Cong, na sya namang sinabayan ng iconic na tawa ni Viviys. 

Bumawi naman ang soon-to-be-dad at sinabing sobrang ganda at dalagang dalaga si Viy na kaka-18 palang ng mga panahong iyon.

CongTViy Kilig Moments

Parati nila tayong pinapatawa at pinakikilig sa kanilang mga YouTube videos, pero ibinahagi ng dalawa ang mga bagay na kinakikiligan nila sa isa’t-isa.

“Nakakakilig pag kinakausap nya ko. Kunwari tungkol sa business pag may challenges ako, ang galing nya mang hype talaga.”

Dagdag pa ni Viy: “Kinikilig ako kasi nandyan siya para palakasin yung loob ko, feeling ko kapag kasama ko sya kaya kong abutin ang lahat.,” paliwanag ni Viy.

Samantala, lubos naman na-appreciate ni Cong ang mga surprises sa kanya ni Viy mapa may okasyon o wala. 

“Ang nakakakilig yung mga little surprises. Mga munting regalo nya, mga kakaiba. Kahit ayaw ko, sinusurprise nya ako.”

Nakakatawa namang inamin ng dalawa ang bagay na kinaiinisan nila sa isa’t-isa. 

“Ang kinaiinisan ko kay Cong, trenta na computer parin ng computer, baril ng baril!”

Sagot naman ni Cong: “Yung mga ayaw ko (sakanya) yung nagbabaril ako, pinapatulog ako!”

First Time Parents

Limang buwan na lang at makikita na ng dalawa ang kanilang panganay na kung tawagin nila ngayon ay Baby Kidlat. 

Inamin ng dalawa na may kaunting takot din sila sa pagdating ng kanilang Unico Hijo.

Ayon kay Cong, kinakabahan sya sa pagbubuhat kay Baby Kidlat dahil hindi pa nya nararanasan humawak ng newborn baby. Inamin naman ni Viy ang kaniyang greatest fear bilang isang ina. 

Alam mo hanggang  ngayon ang kinatatakutan ko yung mawala si Kidlat.”

“Kahit hanggang manganak ako yun ang katatakutan ko eh, hanggang sa tumanda ako. Yung mauna sya sakin. Siguro lahat ng magulang yun ang fear.”

Ngunit sa kabila ng mga pangamba ay mas lamang ang excitement sa nalalapit nilang pagkikita ni Baby Kidlat. 

Ayon kay Cong, excited na sya maranasan ang pag-aalaga ng sanggol. Samantala, si Viy naman ay nasasabik ma-witness ang mga “first” milestones ni Kidlat. 


Bitin ka ba sa kwentuhan? Don’t forget to follow VIYLine Media Group (VMG) sa Facebook and Twitter para sa iba pang latest chika about Team Payaman!

Kath Regio

Recent Posts

Chino Liu Stars in Galit-Galitan Podcast with JB Suarez and John Teodosio

Game na game na ipinakilala ni Chino Liu ang sarili pati na rin ang iba’t…

1 day ago

Team Payaman’s Genggeng Shares His Hong Kong Trip Experience in His First-Ever YouTube Vlog

Isang mabilis na balik-Hong Kong trip ang naging laman ng kauna-unahang vlog ni Genggeng sa…

2 days ago

Cong TV and Team Payaman Go All Out to Help Genggeng Pay His College Tuition

Mula sa paghahanap ng trabaho hanggang sa pagbebenta ng mga personal na gamit, sinubukan nina…

3 days ago

First-Time TP Fair Attendees Can Now Get Early Access to Team Payaman Fair 2026 Tickets!

First-time attendees are in for an exciting surprise as Viyline Group of Companies gears up…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Reminisces About Her Old Vlogging Style in Episode 1 of “realiTViy” Vlog Series

Muling nagbabalik si Viviys sa kanyang old vlogging style kung saan mas personal ang mga…

4 days ago

FAMILY GETAWAY: Boss Keng Grants Kids’ Quick Beach Trip Request

Matapos ang walang tigil na paghiling sa kanilang mga magulang, tinupad na nina Daddy Keng…

5 days ago

This website uses cookies.