Kung hanap mo’y quotable quotes para sa susunod mong social media post caption, sagot ka na ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez na kilala rin bilang “Princess Wow” dahil sa kanyang mga motivational words of wisdom.
Princess Wow History
Isa sa mga tagpong tumatak sa mga manonood ni Viy Cortez, a.k.a Princess Wow, ay ang masayang usapan kasama ang kanyang fiancé nitong si Cong TV sa kanyang EVIWAW vlog.
Nagsimulang bansagang “Princess Wow” ng Team Payaman si Viviys nang magbahagi ito ng kanyang mga nakakatuwang words of wisdom.
“Akala ko kaya Princess Wow [ang tawag] kasi ‘yung mga post n’ya panay motivational,” ani Cong.
“Gino-google ko lang ‘yon!” sagot naman ni Viy.
Dagdag pa ni Viviys, kampante naman siyang magugustuhan ng kanyang mga followers ang kanyang mga quotable quotes.
“At tsaka seryoso ako kasi nasa mga Top 10 best [quotes] ‘yang mga nilalagay ko!”
Princess Wow-Approved Captions
Goal Getter
Isa sa mga unang binitawang words of wisdom ni Princess Wow na mismong si Cong TV ay napabilib ay ang mga katagang: “Setting goals is the first step in turning the invisible to visible.”
Napapanahon din ito at swak na swak na caption para sa inyong mga New Year’s Resolution ngayong 2024!
Exam Motivation
Isa naman sa mga umani ng libo-libong “HAHA” reacts sa Facebook ay ang basbas na ibinigay ni Princess Wow matapos dumulog ang isa sa kanyang mga taga-suporta.
“Princess Wow, need motivation[al] quotes para sa darating kong CSE Professional exam sa March 26 hehe” dulog ng isang follower.
Sagot ni Viviys: “Exam is not [an] exemption to be great not only in mind but also in faith.”
Kapag hindi ka pa pumasa sa exam, ewan ko na lang!
Keeping the Faith
Meron ka bang pinagdadaanan at nais idaan sa social media ang pagpapalakas ng loob? Sagot na ni Princess Wow ang caption mo.
“Even if you’re in your hardest moments, maintain your child-like faith,” ani Viviys sa isang vlog noong 2021.
Bagamat nakakatawa para sa ilan, ang impromptu words of wisdom ni Princess Wow ay nagpapahiwatig lang na anumang hamon ng buhay ay ‘wag mawawalan ng pag-asa gaya ng isang inosenteng bata na punong-puno ng pananampalataya.