Isa sa mga tanong na laging kumikiliti sa ating mga isip ay ang kung nasaan na kaya tayo pagkalipas ang sampu, dalawampu, o limampung taon?
Naisip niyo rin ba kung kumusta na kaya ang mga iniidolo nating YouTube vlogger group matapos ang limampung taon?
Team Payaman 50 years after
Sa kanyang bagong vlog, binulaga ni Cong TV ang kanyang manonood sa isang kwela ngunit makabuluhang istorya tungkol sa tema ng “pagtanda.”
Game na game namang nakisama sa “time travel” kuno ni Cong TV ang fellow Team Payaman Wild Dogs nitong sina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, Mentos, Carding, at Dudut.
Hindi mabigat ang atake ng nasabing transformation at time travel sapagkat hindi ito matatawag na Team Payaman vlog kung hindi ito binabalot ng kwela’t katatawanan.
Wild Dogs are out, Old Dogs are in! Dahil nasa hinaharap na panahon na ang kanilang mga karakter sa nasabing vlog, nag-iba na rin itsura ng Team Payaman boys sa tulong ng costume at makeup na tila nagpatanda sa kanila ng higit limampung taon. Sinabayan pa ito ng kanilang kwelang acting at “lolo voice” na talaga namang magpapahalakhak sa lahat.
BGC Boys
Hindi tipikal na lolo ang pinakita ng tinaguriang “Old Dogs” ng Team Payaman, dahil imbes na nakapirmi lang sa bahay ay sama-samang rumampa suot ang kanilang mga “simple pero rak” na mga kasuotan. Nagliwaliw lang naman ang mga Old Dogs sa sikat na tambayan sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Dahil malapit na ang kaarawan ni Cong TV, a.k.a Lolo TV, dinala nito ang kanyang mga kumpare sa isang kainan sa nasabing pasyalan upang magsaya.
“Dahil birthday ko ngayon, dito muna tayo magfo-food testing. Unli lahat! Kaya kantahan niyo muna ako!” ani Lolo TV.
Asylum Manila Adventure
At dahil nalalapit na rin ang Halloween, nagtungo ang Team Payaman Old Dogs sa sikat na haunted house attraction na “Asylum Manila,” kung saan isang makapanindig balahibong karanasan ang naghihintay sa kanila.
Hindi pa man nakakalayo sa nasabing haunted house nagtumbahan na ang Team Payaman Lolos matapos itong bulagain ng mga nakakatakot na karakter.
Kaliwa’t-kanang takutan, sigawan, at tulakan ang hatid ng mga Lolo ng Payamansion na siyang naging katawa-tawa para sa mga manonood.
Sa huli, nagkaroon naman ng makabuluhang reyalisasyon si Cong TV pagdating sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Watch the full vlog below: