Chino Liu Stars in Galit-Galitan Podcast with JB Suarez and John Teodosio

Game na game na ipinakilala ni Chino Liu ang sarili pati na rin ang iba’t iba niyang karakter bilang guest sa pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast. 

EP3 – Multi-Personality In Order

Ang Galit-Galitan Podcast ay hatid ng Anti-Kamote Gang content creator na si JB Suarez at John Teodosio ng Madman Creatives, na nagtatampok ng prangkang kwentuhan tungkol sa iba’t ibang usapin at personal na mga karanasan.

Para sa kanilang ikatlong kabanata, inimbitahan nila ang Team Payaman member na si Chino Liu, o mas kilala bilang si Tita Krissy Achino, upang talakayin ang buhay niyang binubuo ng iba’t ibang klaseng karakter.  

Umpisa pa lamang ay nilista na nila ang mga kaganapan ni Chino bilang Kris Aquino Impersonator, Content Creator, Barangay Councilor, Entrepreneur, Actor/Host, at AKG Queen of All Chika.

Dinagdag pa ni Chino na isa rin siyang lecturer/special instructor sa isang unibersidad, fast food and gasoline station digital marketer, at twin sister ng kapwa TP member na si Vien Iligan-Velasquez.

Tinalakay rin ni Chino ang kwento sa likod ng pagbuo ng mga konsepto sa kaniyang sariling ‘Kags, Help’ at ‘Chino on Deck’ podcast serye.

Hindi pinalampas ni Chino na ibahagi ang pagsisikap maging kakaiba o unique impersonator bilang  si Tita Krissy, pati na rin ang talento sa pagiging mapagmasid kung kaya kinaya niya ring gayahin si Ninong Ry at iba pa.

Feeling ko nga dati akong parrot eh,” biro ni Chino.

Pag-amin naman niya, ang kumpiyansa niyang maging totoo sa sarili kahit hindi bilang glammed up impersonator ay natutunan niya lang mula nung mapasama siya sa kilalang grupo ng content creators sa Pilipinas na Team Payaman.

Perfectionist ako. Gusto ko may intro ako, may body, may extro, nilalagay ko sa notes tapos dapat may flow ako. Pero nung pumasok ako sa Team Payaman, dun ko nakita na may other side, mas impromptu, mas raw, mas maganda. Doon kasi kahit umaga may muta ka tututukan ka ng camera. At first it was a dilemma for me,” kwento ni Chino. 

Taas-noo rin namang sinagot ni Chino ang ilang maiinit na mga katanungan sa Heat Check segment kapalit ng hindi pagsubo ng maanghang na Samyang noodles.

Isa na sa tanong ay “Kung ibabalik mo si Kulob at Clouie sa Team Payaman, sino ang dalawa mong papaalisin kapalit nila?”

Agad naman itong nasagot ni Chino na ang mga furbaby na lang ang ipapalit niya bilang mga kalebel ng mga nabanggit.

Ibinahagi rin naman ni Chino ang emosyonal na anunsyo ng pagpanaw ng isa sa OG Furbaby ng Team Payaman na si Nyeti. 

Walang takot ding ni-ranggo ni Chino ang Team Payaman Wild Dogs pagdating sa kalinisan sa bahay.

Watch the full podcast episode below:

Likes:
0 0
Views:
19
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *