Boss Keng Pranks Team Boss Madam with an iPhone Duo Dummy Phone ft. Mobile Cart PH

Halakhak ang hatid ni Boss Keng nang muli niyang pinrank ang mga kasamahan kasama ang Mobile Cart PH.

Tunghayan ang mga emosyonal at nakakatawang mga tagpo nang makipagsabwatan si Boss Keng para sa kanyang iPhone Duo prank.

‘Loha’ Is Real

Sa kanyang bagong vlog, muling pinagtripan ni Boss Keng ang mga kasamahan sa bahay. Matatandaang naloko rin niya sina Mentos at Sonny J. sa kanyang iPhone 18 prank.

Sa pangalawang pagkakataon, kinasabwat ni Boss Keng ang Mobile Cart PH upang mas maging kwela pa ang kanyang naiisip na prank.

Nagdala ang Mobile Cart PH owner na si Prince ng demo model ng pinakabagong iPhone Duo upang mas maging kapanipaniwala ang kanyang prank.

“Pag bubuksan na nila, tsaka mo sasabihin na ‘yan ‘yung kay Boss Keng,” pagtuturo ni Boss Keng.

Una na nilang nabiktima si Nigel kung saan kitang kita ang kanyang pagkagulat nang iabot ang bagong telepono.

“Anong gagawin ko dito?” inosenteng tanong ni Nigel.

Sunod namang nabiktima nina Boss Keng sina Mentos, Sonny J, at Kuya Limuel, na laking gulat din sa iniabot ni Prince.

“Wow, totoo ‘to?” ani Kuya Lim.

“Ano ‘to? Duo rin ‘to eh!” laking gulat ni Mentos.

“Ayoko mag-assume!” reaksyon naman ni Sonny J. 

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang natuwa nang mapanood ang bagong feel-good prank vlog ni Boss Keng sa mga kasama.

@jellyfishy_girl: “Umaasa ako bbigyan sila ni mobile cart hahahaahhaa abangan ko next vlog.”

@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo BK squad!”

@totivillanueva: “Boss keng palitan mo yung cellphone ni boss liam!”

@Jhooera: “Excited pa nman ako kasi complete ang boys mo pero baka may part 2 nito kung wala man gawan mo na habang di pa HB lahat ahahahaha!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
15
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *