Netizens Hyped as Team Payaman Gears Up for “TEAM PAYAMAN: Race To The Fair” Vlog 

Dahil nalalapit na ang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat, isang pangmalakasang content ang hatid ng Team Payaman para sa kanilang mga taga-suporta.

Alamin ang mga kaabang-abang na detalye ng inaabangang ‘TEAM PAYAMAN: Race To The Fair’ vlog content.

TP Race To The Fair

Naging usap-usapan sa social media ang muling pagsasama-sama ng Team Payaman upang bumuo ng content sa channel ni Viy Cortez-Velasquez.

Ang nasabing vlog content ay tinawag ni Viviys na TEAM PAYAMAN: Race To The Fair,’ na ginanap sa SM Mall of Asia. Ang nasabing vlog content ay ang kauna-unahang konseptong isinagawa sa nasabing mall.

Nagamit ng Team Payaman ang isa sa mga pinakamalaking mall sa bansa para sa mga hamon na kaakibat ng Team Payaman Race To The Fair vlog content. 

Tampok rin sa kilalang MOA Globe ang logo ng Team Payaman pati na rin ng Team Payaman Fair na gaganapin sa December 27-30, 2026 sa SMX Convention Center Manila.

Nagmistulang ‘reunion’ ang kanilang pagsasama dahil ngayon na lang ulit nabuo ang Team Payaman matapos ang kanilang pag-alis sa Congpound.

Kaliwa’t kanan na TikTok trend entries ang ibinida ng ilang Team Payaman members bago at matapos ang kanilang masayang pagsasama.

Samantala, sa bukod na Facebook post, labis naman ang pasasalamat ni Viviys sa kanyang kapwa Team Payaman members at media team na tumulong sa pagbuo ng kanyang vlog.

“THIS MIGHT BE THE CRAZIEST THING WE’VE EVER DONE! For the FIRST TIME EVER, SM Mall of Asia Official allowed its ENTIRE MALL to be used for one massive challenge and TEAM PAYAMAN gets to be the FIRST to do it!  50 STAFF. 30 CAMERAS. ONE WHOLE SM MALL OF ASIA. Imagine Team Payaman racing around one of the biggest malls in the country! One crazy idea, and now it’s REAL. Thank You, God, for always giving me a sign to dream bigger,” aniya

Thank you, TEAM PAYAMAN, for always being game sa mga crazy ideas natin! And thank you to my husband, Cong TV. You are the reason why we’re all here. Look how far Team Payaman has come!” dagdag niya pa.

Pakaabangan ang masaya at nakakagalak na mga tagpo sa TEAM PAYAMAN: Race To The Fair Vlog ngayong September 30, 2026 6PM.

Excited Fans

Samantala, marami sa mga tagasuporta ng Team Payaman ang hindi na makapaghintay sa vlog content ng grupo.

Vic Sy: “Parang di ko madinig boses mo Viy habang binabasa ko. English eh! Sana ma upload agad ang vlog!”

Edelyn Cortez Ariola: “Mala early episode ng running man sana Ms. Viy, may name tag elimination!”

Nichelle Ann Nabor Manrique: “Tagal naman ng sept. 30!”

Gerard Erosleaf: “Kaya pala may power shutdown, nag mamadali kami mag out kagabi, kayo pala yonnnn hahaha!”

Solmi Uriel RL: “Mam Viy ang tagal naman po ng September 30. Hehe!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *