Team Cortez Shows Support for Angeline Quinto’s AQUIN15E Concert

All-out ang support ni Viy Cortez-Velasquez at ng kanyang pamilya sa kapwa KreativDen talent niya na si Angeline Quinto.

Tunghayan ang ilang pasilip matapos masaksihan ng Team Cortez ang solo concert ng naturang Philippines’ Power Diva.

AQUIN15E Concert

Noong Agosto 22, ipinakita ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang suporta sa kapwa KreativDen talent na si Angeline Quinto para sa kanyang AQUIN15E concert.

Kasama rin ni Viviys ang kanyang mga kapatid na sina Ate Ivy, Yiv, maging ang kanyang mga magulang upang makinood.

Present rin ang kanyang mga angels na sina Ate Acar, Ate Lanie, at Ate Mina na nakikanta rin sa mga hit songs ni Angeline.

“Congratulations, Ma’am @loveangelinequinto ! Napakahusay mo! Mahal ka namin. Ps si cong ang nag aalaga para masama ko ang mga nanay,” mensahe ni Viy sa kanyang social media post.

Sa isang bukod na social media post, ibinahagi naman ni Ate Ivy ang kanyang naging karanasan sa nasabing concert.

“Thank you Viviys sa pag sama samiin! Galing ni Angeline Quinto!!! Promise,” aniya.

Supportive Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang pagbati matapos masaksihan ang pagiging supportive ni Viy sa kaibigan.

@cesdelizo: “Saw you there kaninaaa! Ivah din ang glow ng Viviys!”

@domjustbeingdomx: “Hellooo po ma’am viy!!!”

@like_buttah42: “Yung reaction nyo sa performance ni Regine and Angeline!”

Likes:
0 0
Views:
20
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *