
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang matapos nilang lumipad pa-Cebu at Bacolod.
Tunghayan ang mga nakakakilig na tagpo matapos ma-reverse surprise si Dudut ng kanyang mga kaibigan.
SWEET SURPRISE
Sa bagong vlogs ng Team Payaman members na sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, hatid nila ang mga pasilip sa mga tagpo matapos ang kanilang adventure kasama ang Mountain Dew.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga manonood na single and ready to mingle na si Dudut kung kaya’t naisipan ni Cong na bigyan ng nakakakilig na surpresa ang kaibigan.

Sa likod ng kanilang mga asaran, nagpatulong na si Cong sa kaibigan na hanapan ng makakausap si Dudut upang mapasaya ang kaibigan.
Matapos subukan ang iba’t-ibang mga paraan upang bigyang kulay ang buhay pag-ibig ni Dudut, hindi pa rin nila ito napapasaya.
“After ng lahat ng ginawa natin parang kulang pa rin eh no? Tignan mo, malungkot pa rin [si Dudut],” kwento ni Cong sa mga kaibigan.
Ilang buwan matapos ang kanilang Cebu trip, lumipad naman pa-Bacolod ang Team Payaman para sa panibagong adventure kasama ang Mountain Dew.
Dito, kinasabwat niya ang content creator na si Kristel Toledo upang lumipad sa Bacolod at supresahin si Dudut.
“Nasa City of Smiles tayo, ang lagay ba ay, ikaw lang dapat ang masaya? Mayroon tayong special performance para kay Pareng Dudut!” ani Cong.

Dudut’s POV
Sa kanya namang POV vlog, ipinasilip niya ang naging proseso ng surpresa na pinangunahan ng kanyang mga kaibigan.
Una nang kinausap ni Burong si Kristel tungkol sa kanilang plano kung saan sila ang naging abala sa pagbook ng kanyang flight pa-Bacolod.
“Pupunta kami pa-Bacolod at hindi niya ito alam!” kwento ni Kristel.

Ikwinento rin ni Burong kay Dudut na ilang buwan na nila itong pinaplano at minabuting hindi ito ipaalam kay Dudut.
Personal na sinundo nina Burong at Cong TV si Kristel upang ihatid sa hotel at pag-usapan ang kanilang mga plano.

Nang sumayaw na si Kristel kasama ang ibang mga mananayaw, laking gulat ni Dudut nang tanggalin nito ang kanyang maskara.
“Andito na ‘yung love ko! Happy na ako!” reaksyon ni Dudut.

Netizens’ Reactions
Samantala, marami ang kinilig nang mapanood ang adventure ng Team Payaman Wild Dogs at pagsasama nina Kristel at Dudut.
@francisjavetabernilla403: “One man happy, all men happy! Congrats Dut!!”
@Kaaaaiiii: “Seeing Dudut fully healed and move on makes me super happy.”
@Great.PHbBall: “Potek akala ko outdated na masyado until the last part, dito mo talaga maaappreciate ang talino ni Cong nagagamit nya pa ung mga lumang clips para sa isang magandang story!”
@TamDaExplorer: “Sa lahat ng loveteam na ni ship ni mossing sana mag layag to! labyu dudut happy for you kakilig!”
Watch the full vlog below:





