
Kayanin kaya ng Team RayNab at Team CongViy ang pananatili sa isang grocery store overnight?
Samahan si Zeinab Harake, kasama ang kanyang mister at mag-asawang CongViy sa kanyang overnight challenge!
Overnight In A Grocery Store
Sa latest vlog ng social media personality na si Zeinab Harake-Parks, inimbitahan niya ang Team Payaman power couple na sina Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
Kasama rin sa nasabing vlog ang asawa niyang si Ray Parks upang isagawa ang ‘Overnight In A Grocery Store’ challenge.
Bago simulan ang kanilang hamon, sinigurado ng kanilang grupo na walang mga mamimili at mga empleyado sa nasabing grocery store.
Maya maya pa ay kanya-kanyang ikot na ang mga mag-asawa upang mamili ng kanilang mga kakainin at gagamitin para sa kanilang overnight challenge.
“Babayaran ko [lahat], pero libre sa inyo kahit ano [bilhin niyo],” paanyaya ni Zeinab.

Matapos maglibot sa loob ng grocery store, nagkwentuhan ang apat pagdating sa mga naging pagbabago sa kanila ngayong may mga anak at asawa na sila.
“Ako, sense of family naman kasi talaga hinahanap ko noong bata pa ako eh. Ready na ako to have a family n’ung dumating kayong tatlo [Bia, Lucas, Zeb],” kwento ni Daddy Ray.
Para naman kay Cong, “Aspect siya ng buhay natin ‘yung pagkakaroon ng anak. So parang test siya ng bagong pagkatao mo kasi completely different siya sa mga nakasanayan mong bagay.”

Tinapos ng kanilang grupo ang kanilang masayang challenge nang muli silang maglibot sa nasabing grocery store upang mamili ng mga pagkain at pangangailangan ng kanilang mga anak.
Netizens’ Comments
Samantala, marami ang natuwa sa kwelang content na hatid ni Zeinab sa kanyang recent upload.
@JanineCatherine-c1l: “Grabe ung maturity ni Zeinab simula nung naging sila ni Ray iba talaga gumawa ng paraan si Lord para ilagay sa tamang tao.”
@thisis_dani: “Love the interaction of kuya Cong and kuya Ray. Non-chalant husbands X hyper wives!”
@ftmdianeeee: “Siguro happy sila kasi now lang ulit nila naexperience yung freedom sa grocery store na walang nakakakilala or nagpapapicture, and di sila aware na yun yung namiss nilang feeling”
@dequinaangellashelle6829: “Ang ganda ng usapan nila about sa kids!”
Watch the full vlog below:




